EDITORYAL - ‘Delikadesa’
MAY mga taong gobyerno na meron pa ring “delikadesaâ€. Isa rito si National Bureau of Investigations (NBI) Director Nonnatus Rojas. Matapos sabihin ni President Aquino na wala siyang tiwala sa NBI kaya sa Philippine National Police (PNP) niya ipinaubaya ang kustodiya ni Janet Lim-Napoles, umano’y “utak†ng P10 billion pork barrel scam, agad nagbitiw si Rojas. Sumuko kay P-Noy si Napoles at agad dinala sa Camp Crame. Ayon sa report, may mga opisyal sa NBI na nag-tip kay Napoles na aarestuhin siya kaya nakapagtago ito. Hindi na nagdalawang-isip si Rojas at agad naghain ng irrevocable resignation. Hindi siya napigilan. Mayroon siyang paninindigan. Hindi siya “kapit-tuko†sa kabila na hindi naman siya ang tinutukoy ng Presidente . Higit sa lahat mayroon siyang “delikadesaâ€.
Kakaunti na lang ang katulad ni Rojas na nalaÂlaman pa ang kahulugan ng “delikadesaâ€. Mayroon ngang Cabinet member na harap-harapang sinabihan ni P-Noy na “saan kumukuha ng kapal ng mukha†ang hanggang ngayo’y nasa puwesto pa rin at kapit-tuko na kahit yugyugin ay ayaw bumitaw.
Wala rin namang nakikitang “delikadesa†sa mga mambabatas na sinampahan ng plunder kaugnay sa misuse ng kanilang Priority Development Assistance Fund (PDAF). Tatlong senador ang sinampahan ng kaso. Pero tila balewala lang sa kanila ang isyu. Nanatili pa rin sila sa puwesto at walang hiwatig na magbabakasyon muna. Wala na bang “delikadesa�
Kahit ang mga kasamahang senador ay pinaÂyuhan na silang magbakasyon muna habang ginagawa ang trial ay tila wala naman silang pakialam. May mga senador na pabor silang suspendihin habang ginagawa ang paglilitis. Pero sabi ng mga naÂakusahan, ipagtatanggol nila ang sarili. Wala raw silang ginagawang mali.
Wala na ba talagang “delikadesa�
- Latest
- Trending