^

Punto Mo

Alagang pusa ng bilanggo, nakitaan ng blade, drills at cell phones sa katawan; jail break napigilan

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LABAS-MASOK ang isang pusa sa Alagoas Prison sa northeastern Brazil. Hanggang sa magsuspetsa ang prison guard at kinapkapan ang pusa. Natagpuan sa katawan nito (naka-strap) ang mga gamit na panglagari ng rehas, drills na pambutas ng pader. Nakita rin ang dalawang cell phones at cocaine na naka-tape.

Ayon sa prison warden na si Abderson Soares, ang pusa ay alaga ng mga preso. Lihim palang inalagaan ng mga preso ang pusa. Nang may dumalaw na kamag-anak, isinama pauwi ang pusa at nang bumalik ito ay may naka-strap nang mga gamit.

Ayon kay Soares, nagulat siya sa bagong tactic ng mga bilanggo.

Gayunman, nagpapa­salamat siya at napigilan ang tangkang jailbreak. Kung hindi nabisto ang pusa, baka nakatakas lahat ang bilanggo na may mabibigat na kaso.

Ibinigay ang pusa sa Arapiraca, isang animal welfare control.

ABDERSON SOARES

ALAGOAS PRISON

ARAPIRACA

AYON

GAYUNMAN

HANGGANG

IBINIGAY

LIHIM

PUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with