^

Punto Mo

Bakit ako nagdurusa?

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

MADALAS na ang ating pagdurusa sa buhay ay hindi dahil sa ating  mga pagkakamali. May mga pagkakataong inaapi tayo na walang kalaban-laban at hindi natin maintindihan kung bakit.

Minsan kaya tayo nagdurusa ay dahil sa ating mga kasa­lanan. Kung minsan naman, wala tayong partisipasyon pero we still suffer. Sabi nila minsan nilalagyan talaga ng Diyos nang masasakit na mga pagsubok para matutunan nating kumapit sa Kanya at para baguhin natin ang anumang mali sa ating mga pamamaraan. Kaya gaano pa man kapait ang ating dinaranas ngayon, ang lahat nang ito ay lilipas din at mapapalitan ng kaginhawaan. Pero may mabubuti ring dulot ang pagdurusa? 

Ang Seven Fruits of Suffering: 1) Hunger. Ang kalaban ng tagumpay ay tagumpay rin. Kapag successful ka minsan tinatamad ka na, nagiging kampante at relaxed masyado. At hindi ka na masyadong ganadong umangat pa. Kaya kailangan minsan ang suffering para magutom ka at mag-asam at kumilos; 2) Harvest. Mas gutom ka, mas malaki ang aanihin mo. Kapag mas gutom ka, mas gagawa ka ng paraan, magkakaroon ka ng momentum at hopefully ay magtuluy-tuloy ang iyong pag-angat; 3) Humility. Marami sa atin ang mataas ang pride. Kaya nararapat parusahan upang mahimasmasan at mailapat ang mga paa sa lupa. Para mapatay ang pride at mawala ang kayabangan at maging mapagkumbaba, hinahayaan ng Diyos na dumaan tayo sa mga pagsubok;

4) Hardiness. Dahil sa pagsubok kaya nagiging matibay ang ating mga dibdib at pagkatao. Dahil subok na, mas matibay ka na. Hindi ka na madaling magagapi ng iyong mga problema; 5) Healing. Madalas ay ginagamit ng Diyos ang ating pait na pinagdaanan upang matulungan ang ating mga kapwa na magamot din ang kanilang sakit na nadarama. Ang iyong sugat ngayon ay peklat na lamang bukas at ang mga ito ang magpapa­alala sa iyo na nagamot ka at dahil­ doon ay maaari mong matulungan ang iyong kapwa upang sila ay magamot din;

6) Holiness. Kapag tayo ay hirap na hirap na at wala nang ibang matakbuhan saka lamang tayo babaling sa Diyos. Suffering forces us to come to the Lord. Wala tayong choice kundi magdasal. Iyon ang kagandahan ng mga pagsubok. Dinadala tayo nito papalapit sa Diyos;

7) Heaven. Pagkatapos ng iyong mga problema, dahil sa iyong pagtitiis, katatagan at pananalig, matatagpuan mo sa Langit ang kumpletong ligaya.

vuukle comment

ANG SEVEN FRUITS OF SUFFERING

ATING

DAHIL

DINADALA

DIYOS

KAPAG

KAYA

LORD. WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with