^

Punto Mo

EDITORYAL - Para saan pa ang SK?

Pang-masa

SA huling araw nang pagpaparehistro para sa ba- rangay elections noong Hulyo, maraming dumagsa. Halos magpatayan para makapasok sa gusali ng Comelec para makapagrehistro. May mga nasaktan. Karamihan sa mga nagparehistro ay nagsabing hindi sila nakaboto noong nakaraang May 13 election. Ang nakapagtataka, kung kailan last day ng filing saka sila nagkumahog at hatid-sundo ng mga multicab na pag-aari ng barangay.

“Hakot” ang mga nagparehistro. Ang nagpahakot umano ay ang tatakbong barangay chairman. Nagpa- pabango ang barangay chairman sa kanyang nasa- sakupan kaya walang tigil ang paghahakot ng mga botanteng makatutulong din sa kanila.

Pero hindi lamang pala ang nakaupong barangay chairman ang may hangad na tumakbo kundi pati na rin ang kanyang anak na tatakbong Sangguniang Kabataan (SK) Chairman. Kaya naman pala walang pakundangan kung maghatid-sundo ng mga magpapa- rehistrong kabataan at mga hindi nakapag-registered noong nakaraang May 13 election.

At hindi na nakapagtataka kung bakit maraming naghahangad tumakbong barangay chairman at SK chairman, iyan ay dahil sa malaking pondo na naka- laan sa kanila. Ayon sa report, P2 billion ang nakalaan para sa SK chairman.

Ang SK ay itinatag para magkaroon ng training ground ang mga kabataan na nagnanais maglingkod at maging lider sa hinaharap. Sa SK sila magkakaroon nang matinding pagsasanay kung paano magpatakbo ng samahan at maging kapaki-pakinabang. Subalit hindi ganito ang nakikita sa kasalukuyang ginagawa ng SK. Kaya lamang sila tumakbo ay dahil sa paghi- kayat ng kanyang amang barangay chairman. Gusto ni Chairman na ang anak ang pumalit sa kanya sa oras na mawala sa puwesto. Lumulutang ang political dynasty sa barangay. Bukod dito, nagiging breeding ground ng corruption ang SK. Maaga pa ay tinuturuan nang maging korap ang mga kabataan. Mas mainam kung bubuwagin na ang SK.

AYON

BARANGAY

BUKOD

CHAIRMAN

COMELEC

HAKOT

HULYO

KAYA

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with