^

Punto Mo

Dodjie Lizarda, godfather ng illegal gambling sa Calabarzon

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima ang sunud-sunod na pagpaslang sa mga tong collector sa mga pasugalan sa Calabarzon area. Hindi pa matukoy kung sino ang nasa likod ng pagkamatay ng mga pobreng tong collector at sa tingin ng mga kosa ko sa Calabarzon, si Purisima lang ang may kakayahang arukin ito. Maaaring malaki ang kasalanan ng mga tong collector subalit hindi nararapat na sa kamay ng sinuman sila mamamatay at masama sila sa listahan ng mga unsolved killings sa “Matuwid na Daan” ni President Aquino.

Ang pinakahuling pinaslang ay si Bienvenido Salandanan alyas Tata Ben, ang sagradong bata ng godfather ng illegal gambling sa Calabarzon na si Dodjie Lizarda. Ayon sa mga kosa ko, kay Salandanan dumadaan ang mga nakulektang pitsa ni Lizarda sa mga gambling lords tuwing petsahan. Ang bangkay ni Salandanan ay natagpuan sa Taytay, Rizal ng nakaraang linggo. Tulad ng mga nauna sa kanya, ang kaso ni Salandanan ay hindi man lang nabigyan ng kaukulang pansin ng pulisya dahil wala man lang testigo na lumutang. Subalit umaasa ang pamilya nila na kung si Purisima ang kumilos, maaarok ang sinumang grupong nasa likod ng pagpaslang ng mga tong collectors sa Calabarzon area at makasuhan sila. Get’s n’yo mga kosa?

Sa listahan ng mga kapwa nila tong collectors, ang mga nadale na ay sina Jess Alcover ng Cavite; Ryan Lorenzo sa Rizal; ang kapatid ni Sgt. Jumilla sa Quezon; si Rene Lunes sa Quezon din; si alyas Wally sa Rizal; si alyas Acero sa San Pedro, Laguna; si alyas Batang at si Tata Ben nga. Ang haba ng listahan ah? Ayon sa mga saksi na ayaw lumutang, ang mga kumuha sa kanilang lahat ay mga “burly men.” At kung siyasatin mong maigi, Gen. Purisima Sir, ang common denominator ng mga tong collector ay ang pagkolekta nila ng lingguhang intelihensiya para sa CIDG sa Camp Crame. Subalit liliwanagin ko mga kosa, na hindi ko ibig sabihin na ang mga bataan ni CIDG chief Dir. Frank Uyami ang nasa likod ng pagpaslang nitong mga tong collector ha? Walang ebidensiya na nagtuturo sa CIDG ang may kagagawan ng karumal-dumal na krimen na sinapit nila. Hehehe! Lalabas at lalabas din ang katotohanan dito kapag nakialam na si Purisima, di ba mga kosa?

Ayon naman sa mga kausap ko sa Calabarzon, kung umasta itong mga sibilyan na tong collectors ay daig pa ang mga pulis. At higit sa lahat, ipinakolekta nila ang CIDG kahit ibinabando naman ni Uyami na no take policy siya. Ang ibig kong sabihin mga kosa, sa bulsa nila napupunta ang mga pitsang nakulimbat nila subalit ang imahe ng CIDG ang nawawasak. Baka coincidence lang na nangongolekta sila para sa CIDG at me ibang dahilan pa o motibo sa pagpaslang sa kanila? At yan ang dapat arukin ni Purisima, di ba mga kosa? Mismo!

Si Lizarda, na taga-Bgy. Cuyab sa San Pedro, ay nagtatago na nasa ngayon dahil na rin sa no take policy ni PRO4-A director Chief Supt. Jess Gatchalian. Alam ni Lizarda me kalalagyan sya kapag nakorner siya ng mga “burly men.” Sa totoo lang, sarado ang lahat ng pasugalan sa Calabarzon sa utos ni Gatchalian maliban sa bookies ng STL na na-extend ng gobyerno kahit maliwanag sa report ng PNP na front lang ito ng jueteng. Abangan!

AYON

CALABARZON

PURISIMA

RIZAL

SALANDANAN

SAN PEDRO

TATA BEN

TONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with