^

Punto Mo

Zambo crisis ’wag nang patagalin

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nasa ika-limang araw na ngayon ang nagaganap na Zamboanga crisis.

Kahapon tumindi na naman ang bakbakan sa naturang lugar.

Pataas nang pataas ang mga sibilyan na naaapektuhan sa iringan ng tropa ng gobyerno at ng mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF).Umaabot na umano sa 12,000 katao ang apektado sa naturang Zambo crisis.

Imbes yata na humupa ang tensyon ay mukhang painit pa nang painit, kaya ang talagang nakakaawa ay ang mga sibilyan na hindi normal ang takbo ng buhay.

Patay ang buhay sa lugar, ang mga negosyo hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbubukas, ang pag-aaral ng mga bata, apektado na rin, ang kabuhayan at ari-arian ng mga residente sa apektadong lugar napabayaan na at ang ilan ay nawasak pa nga makaraang sunugin ng tropa ng MNLF.

Ayon sa gobyerno kontrolado nila ang sitwasyon.

Hindi lang daw talaga sila makakilos nang husto dahil isinasang-alang nila ang buhay ng mga sibilyan at ang mga umano’y bihag pa ng grupo ng MNLF.

Regular ang pagharap sa media ng binuong crisis committee para iulat ang mga development sa lugar.

Pero ang hindi malinaw ay kung paano ba tatapusin ng pamahalaan ang standoff na ito. Walang katiyakan ang kanilang mga pahayag.

May mga konkreto na kaya silang pag-aksyon para ito malutas?

Dapat na itong upuan. Magsalubong sa kanilang mga kahilingan para mapalaya na rin ang mga bihag na sibilyan.

Ang hinihintay ng taum­bayan eh ang aksyon ng gobyerno kung paano ito mapipigilan.

Habang pinapatagal pa kasi eh nandon ang posi­bilidad na lalo pa itong lumala o ku­malat hanggang sa mas lalo na silang mahirapan.

AYON

DAPAT

HABANG

IMBES

KAHAPON

MAGSALUBONG

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PATAAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with