Weather Tips ng Matatanda
1. Kapag nagkaroon ng ring sa paligid ng moon kinagabihan, uulan kinabukasan.
2. Mababa ang lipad ng mga ibon at humahapon sila sa mas mababang lugar kapag may darating na bagyo.
3. May darating na ulan kapag walang tigil ang paghihilamos ng pusa sa kanyang mukha at susundan pa ito ng pagkalmot sa wooden surface (poste, furniture) o puno.
4. Uulan kung maraming ibon ang nakadapo sa cable ng telepono. Kung saan sila nakaharap, doon magmumula ang ulan.
5. Kapag may nakitang gagamba sa umaga na naghahabi ng kanyang sapot, nagbabadya ito ng magandang panahon sa maghapon.
6. Mas mataas ang ulap, mas maganda ang panahon.
7. Kung ulap ay nagkokorteng malalaking tipak ng bato, higanteng cauliflower o mataas na kastilyo, asahan ang pabugso-bugsong pag-ambon sa maghapon.
8. Kapag umuulan habang may sikat ng araw, hindi ibig sabihin noon ay may ikinakasal na aswang. Palatandaan iyon na tatagal ang ulan ng 30 minutes or less.
9. Kung namumuo ang asin sa inyong salt shaker dahil sa mamasa-masa ito, palatandaan ‘yun na magiging maulan ang panahon.
10. Kung ang mga langgam ay maayos na nakapila nang straight line, uulan. Kapag nakakalat sila, fair weather.
11. Magandang mangisda kung ang hangin ay nagmumula sa West. Huwag papalaot kung nagmumula sa North.
12. Maya-maya lang ay uulan kapag ang ibong gaviota/bako (seagull) ay nakitang bumaba o humapon sa buhanginan.
13. Ang pagbaba ng mga usa mula sa bundok ay nagbabadya ng parating na bagyo pagkalipas ng dalawang araw.
Source: Almanac.com
- Latest