Lampong (404)
NAISIP ni Dick nang mga sandaling iyon na mauÂunawaan din siguro siya ni Jinky kapag nalamang ibinenta niya ang one fourth ng itikan kay Mr. Chan kapalit ng green capsules. Ginawa niya iyon para malunasan ang erectal dysfunction. Bahala na kung ano ang mangyayari sa mga susunod pa. Basta ang mahalaga ay mayroon na siyang supply ng capsules panghabambuhay. Wala na siyang magiging problema sa susunod.
“Nasaan ang mga capsules, Mr. Chan?†Tanong ni Dick makaraang pirmahan ang katibayan o kasunduan nila.
“Huwag kang mainip, Dick at idedeliber sa bahay mo. Ibigay mo ang address mo rito sa Maynila, ha-ha-ha!â€
Ibinigay ni Dick address kay Mr. Chan. Mayroong tinawagan si Mr. Chan.
“Ideliber mo na ang mga capsules sa address na iti-text ko. Ngayon ding gabi. Huwag na huwag na di idideliber at baka magalit si Bossing Dick. Atat na atat na ito. Okey?â€
Pagkatapos makipag-usap ay hinarap naman si Dick.
“Idideliber na ngayong gabi. Hintayin mo lang, Bossing Dick.â€
“Dapat umalis na ako.â€
“Teka, teka, hindi mo pa sinasabi kung paano ako makakarating sa itikan. Baka next week ay makapunta na ako roon. Paano ba pupunta sa itikan, Dick?â€
Sinabi ni Dick. Pati ang taong kakausapin doon ay sinabi ang pangalan.
“Hanapin mo si Mulong at Tina. Sila ang mga namaÂmahala roon.â€
“Ang asawa mo, Bossing Dick?â€
Hindi makasagot si Dick. Paano nga kaya si Jinky.
“Basta sina Mulong at Tina ang hanapin mo. Tatawagan ko sila bago ka dumating sa itikan.â€
“Okey, ha-ha-ha. Okey ka Bossing Dick.’’
Umalis na si Dick. AabaÂngan niya ang pagdeliber ng capsules.
SAMANTALA, buo na ang desisyon ni Jinky na magtungo sa Maynila para sorpresahin si Franc.
Sinabi niya kay Mulong at Tina na may aasikasuhin siya sa Maynila ukol sa birth certificate ng anak.
Kinabukasan, paluwas na si Jinky. Nagpaalam siya sa mag-asawa.
“Kayo na muna ang bahala rito.â€
“Mag-ingat ka Mam Jinky.’’
(Itutuloy)
- Latest