^

Punto Mo

Mga idolo ng bayan

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

DAPAT maging modelo ang mga opisyal ng gobyerno at pulitiko hinggil sa kanilang pamumuhay at pagtupad sa kanilang gawain bilang lingkod bayan.

Pero sa nakikita sa mga government official at pulitiko ngayon, tila mali at hindi dapat maging halimbawa sa mga kabataang nagmamasid sa mga nangyayari sa gobyerno.

Halimbawa ay ang matinding hidwaan ng mga pulitiko na humahantong sa mga personalan. Tulad nang hidwaan nina Senators Juan Ponce Enrile at Miriam Defensor-Santiago.

Dahil nadadawit si Enrile sa pork barrel scam, kung anu-ano na ang mga pananalitang binabanggit ni Santiago na pinapatulan naman ng media.

Naging katatawanan ang Senado dahil sa mga pahayag ni Santiago na dapat daw buwagin na ang Kongreso at sabay-sabay na magpakamatay dahil sa pork barrel scam. Nabulgar ang paglustay sa pork barrel fund ng ilang pulitiko dahil sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Janet Lim Napoles.

Sabi pa ni Santiago, dapat daw gawing state witness si Napoles basta’t idiin nito ang mga mambabatas na nakinabang sa pork barrel. Siyempre alam na natin kung sino ang gusto niyang madiin --- walang iba kundi ang kaalitang si Enrile.

Nais din ni Santiago na ipagbawal ang paggamit ng electronic gadgets habang nasa sesyon. Naispatan noon si Enrile na naglalaro ng games sa kanyang iPad mini habang dinidinig sa Senado ang “sex-for-flight scheme”.

Sa US ay nakita rin si Sen. John McCain na naglalaro ng poker sa kanyang phone habang may mainitang debate sa pag-atake ng US sa Syria.

Bukod kay Enrile, nakaalitan din noon ni Santiago si dating senador Panfilo Lacson na nauwi sa personalan. Binansagan pa ni Santiago na “pinky” si Lacson na nagpapahiwatig nang umano’y kuwestiyon sa pagkalalaki nito.

Para sa akin, hindi magandang halimbawa ang ganitong estilo ni Santiago na namemersonal sa isang kasamahan sa senado. Walang pinag-iba ito sa sinasabing nagiging idolo ng sangguniang kabataan officials ang ilang pulitiko sa paglustay sa pondo ng bayan. Sa ipinakikita ni Santiago tila tinuturuan nito ang mga kabataan kung papaano makipag-alitan sa kapwa na humahantong sa personalan.

Sana, tunay na magsilbing modelo ang mga pulitiko sa lahat ng pagkakataon.

BINANSAGAN

ENRILE

JANET LIM NAPOLES

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PANFILO LACSON

SANTIAGO

SENADO

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with