^

Punto Mo

Si Tiger at ang among si Jude

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TUMIRADA na si alyas Tiger na ang amo ay si Jude, isa sa mga anak ni Manila Mayor Erap Estrada. Nangako ng proteksyon sa mga negosyante si Tiger at among si Jude para hindi magambala ang mga trabaho nila sa Manila. Mga unang biktima nina Tiger at Jude sina Bubuy Go at Robert Cheng. Si Go ay gustong palitan ang mag-asawang Romy at Gina Gutierrez sa negosyo nilang video karera samantalang si Cheng ay importer ng pyrotechnics ang nais masolo naman ang bentahan ng paputok sa Maynila ngayong Pasko. Ayon sa mga kosa ko sa City Hall, si Go ay naghatag ng aabot sa P800,000 sa tropa nina Tiger at Jude samantalang milyon naman ang nawala sa bulsa ni Cheng. Kung noong panahon ni dating Mayor Fred Lim, itong anak niya na si Roland ay kuntento na sa sampu-sampo sa vendors, dito sa tropa nina Tiger at Jude sa panahon ni Erap, aba abot-langit ang kinukulimbat nila. Subalit kung gaano kabilis mambola ang tropa nina Tiger at Jude para makakuha ng limpak-limpak na pitsa, aba singbilis din sila ng kidlat na mawawala. Noon pa nagbigay ng grease money si Go subalit hanggang ngayon hindi pa siya nakapag-umpisa ng negosyo n’ya. Malayo pa ang Pasko kaya di ko pa mahusgahan si Cheng, hehehe! Lalabas at lalabas din ang katotohanan!

Kung si Erap ay no take sa illegal gambling, ang mga nakapaligid naman sa kanya ay take naman nang take. Sinabi ng mga kosa ko na si City Hall detachment commander Maj. Bernabe Erinco ay humahatak ng aabot sa P150,000 kada linggo sa illegal gambling. Kung magkano ang kinikita ni Erinco ganun din ang isa pang bata ni Erap na si alyas Simeon. Hating kapatid sina Erinco at Simeon at kung ang gagawing basehan ang pitsa na naibulsa nila, ibig sabihin n’yan laganap pa ang mga pasugalan nitong sina Delfin “Daboy” Pasya, Don Ramon at SPO2 Gener “Paknoy” Presnedi sa Manila. Hindi na makikita sa City Hall sina Presnedi, SPO4 Fernando Cantillas, PO2 Fernando “Andoy” Diamzon at alyas Jess subalit sila pa rin ang gamit nina Erinco at Simeon, ayon pa sa mga kosa ko. Sina Cantillas at Diamzon ay naka-assign mismo sa opisina ni PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima samantalang si Paknoy ay naiwan sa RPHAU sa Bicutan. Kasama ni Paknoy si Insp. Arnold Sandoval na kolektor din sa ngayon ni Supt. Decena ng Station 1 sa Tondo, hehehe! Napapaikutan ng scalawag cops si MPD director Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya” Genabe, di ba mga kosa? Hindi sagabal sa scalawag cops ang no take ng CIDG, NCRPO, MPD at si Erap mismo para kumita sila. Habang nagtitiis sa gutom ang CIDG, NCRPO, at MPD, bundat naman ang tiyan ng scalawag cops at amo nilang sina Erinco, Simeon at Decena. At dapat lang na hindi sila magpakita sa City Hall dahil mahahagip lang sila ng CCTV surveillance camera, hehehe! Tuso rin ang scalawag cops, ano mga kosa?

Habang tumatagal si Erap sa puwesto, lumilitaw na bola-bola kamatis lang itong no take niya laban sa illegal gambling. Double talk lang pala siya! Siguro nagmamadaling magkapitsa ang mga taong nakapaligid kay Erap kasi lumalakas ang ugong na uupo na si Lim sa anumang oras. Teka, sino naman itong si William Caayon? Abangan!

 

 

ALAN PURISIMA

ARNOLD SANDOVAL

BERNABE ERINCO

BOY TUWALYA

CITY HALL

ERAP

ERINCO

PAKNOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with