^

Punto Mo

“Mula sa ‘Pusong Pinoy’”

- Tony Calvento - Pang-masa

DOBLENG pasanin ang nararamdaman ng mga kababayan nating may karamdamang walang kakayahang magpagamot matapos humagupit ang mga bagyo kasabay pa ang Hanging Habagat. 

Iba’t ibang panig ng bansa ang naapektohan nito at ang ilan sa kanila… lugmok pa sa putik matapos ang kalamidad.

Hindi na bago ang bagyo sa mga ‘Pinoy’ na dati ng sumusulong sa karamdaman at pilit nakikipaglaban.

Kaisa ang programa sa radyo ng Philippine Cha­rity Sweepstakes Office (PCSO), ang “PUSONG PINOY” ng DWIZ882 KHZ sa pagbibigay tulong medikal sa mga kababayan nating may sakit.

Enero 2011, nang unang humimpapawid ang programang “PUSONG PINOY” hosted by Atty. Jose Ferdinand Rojas II o “Atty. Joy” kasama si Monique Cristobal. Umiere tuwing Sabado  mula 7:00-8:00 ng umaga sa DWIZ 882 KHZ, AM BAND.

Mula nun, maraming kaso na ang natulungan ng programa na ang layon ay tulungan ang mga may sakit sa kanilang pagpapagamot.

Sa likod ng karamdaman ng mga pasyenteng ito ang iba’t ibang kwento kung paano sila nakikipagsapalaran at lumalaban sa buhay.

Isa na sa pumukaw sa amin ang istorya ng amang si Edwin Battan, ng Pasig City.

Ang bagong silang niyang anak na lalake ay nagkaroon ng Hypoxic-Ischemic Encephalopathy (HIE) (stage III).

Ang HIE ay isang pinsala sa utak sanhi ng ‘Asphyxia’ (kakulangan ng hangin o oxygen deprivation).

Ang bagong silang na sanggol makakayang kapusin ng hangin sa loob ng maikling panahon subalit kapag tumagal ang asphyxia ang wawasakin nito ang tissue ng utak (brain tissue). Ito ang nagiging sanhi ng pagkamatay ng isang sanggol na may HIE.

Nagkakaranas rin ng ‘severe impairment’ ang isang may HIE. Maaring epilepsy, developmental delay, motor impairments, nuero-deve­lopmental delay at cognitive impairment. 

Ang mga pinsalang ito ay hindi agad matutukoy hanggang tumuntong ang  isang sanggol sa edad na tatlo hangang apat ng taon.

Ika-22 ng Marso 2013, nang isilang ang bunso nila  Edwin­. Unang araw  pa lang nito, ika-23 ng Marso ikinon­fine na ang sanggol sa Pasig City General  Hospital (PCGH) matapos makitaan ng sintomas ng HIE.

“Kinumbulsiyon siya, tumirik ang mata… akala nga namin nun patay na siya,” pagbabalik tanaw ni Edwin.

Ayon kay Edwin nawalan na ng pulso ang sanggol subalit na-‘revive’ ito. Naisalba ang bata ngunit mula noon na-‘comatose stage’ na.

Kinabitan siya ng ‘ventilator/respirator’ para makahinga. Apat na buwang ganito ang kundisyon ng anak ni Edwin.

Kinailangan operahan ang bata sa lalamunan (binutasan) para sa kanyang maayos na paghinga. Habang pinadaan naman sa bituka ng bata ang pagkain nito… direkta sa tiyan.

“Masakit sa amin makita ang anak ko sa ganung kalagayan pero lumalaban siya kaya hindi kami sumusuko,” pahayag ni Edwin.

Walang permanenteng trabaho si Edwin at regular na empleyado na kumikita ng minimum ang kanyang asawa kaya’t nabaon sila sa utang mabuhay lang ang kanilang anak.

Buwan ng Agosto, kumunti ang dami ng tinatanggap na pagkain ng kanyang anak. Unti-unti itong nanghina hanggang ika-10 nasabing buwan, bandang 3:15AM binawian ito ng buhay.

Handa man si Edwin dahil ayon sa kanya tinapat na sila ng doktor na tanging respirator na lang ang bumubuhay sa bata, naging mabigat pa rin sa kanila na tanggaping patay na ang kanilang anak.

“Hindi namin alam kung paano magsisimula,” wika ni Edwin.

Malaking halaga rin ang inabot ng bayarin nila Edwin sa ospital sa loob ng apat na buwan. Umabot sa daang libo.

Nakakuha na sila ng dis­kwento sa Philhealth at naipa­ngutang na nila ang bayad sa ibang bayarin subalit malaki pa rin ang naiwan nilang utang sa ospital.

Humigit kumulang Php50,000 kaya’t nagdesis­yon siyang lumapit sa pro­gramang “PUSONG PINOY” ng PCSO.           

Ilan lang si Edwin sa mga taong lumalapit sa “PUSONG PINOY” ng PCSO na humi­hingi ng tulong medikal.

Mapapakinggan natin ang ilan sa kanila at iba pang mga pasyenteng patuloy na nagtitiwala sa PCSO sa mga darating na episodes ng “PUSONG PINOY”. Tuwing Sabado mula 7:00-8:00 ng umaga sa DWIZ 882 KHZ AM Band.

“Alam namin ang pinagdadaanan ng mga magulang na tulad ni Edwin.

Mahirap makitang na­ratay sa karamdaman ang ating­ mahal sa buhay subalit ang lagi namin sinasabi, ano mang sakit malalampasan ito basta’t tama at tuluy-tuloy ang gamutan.  ’Wag tayong makalimot magdasal sa Maykapal. Nandito kami sa PCSO para kayo’y tulungan,” wika ni Atty. Joy Rojas.

Para sa mga kagaya ni Edwin na may mga medikal na panga­ngailangan, maari kayong pumunta sa tanggapan ng “PUSONG PINOY” sa 5th Floor City State Center Bldg. Shaw Blvd. Pasig City hanapin lamang si Monique Cristobal.

Bukas ang tanggapan ng “PUSONG PINOY” Lunes-Biyernes, 9:00AM.

Magdala lamang kayo ng kopya ng sertipikasyon ng doktor tungkol sa inyong sakit (updated medical abstract).

 (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN O KARAHASAN at may problemang ligal magpunta lang sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig (Lunes-Biyernes). Maari din kayong mag-text sa Cellphone Nos. 09213263166(Chen), 09213784392(Carla), 09198972854(Monique). O tumawag sa Landline Nos. 6387285/ 7104038. Maari din kayo mag-email sa amin sa [email protected]

CELLPHONE NOS

EDWIN

MONIQUE CRISTOBAL

PASIG CITY

PINOY

SHAW BLVD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with