^

Punto Mo

Tayo ay kumilos

ANGHANG TAMIS - Adong Hagupit - Pang-masa

Ang mabuhay ngayon sa mundong ibabaw

Malaking pagsubok sa kahi’t sinuman;

Ang mga bukirin na dapat matamnan

Dapat asikasuhin ng dukha’t mayaman!

 

Huwag nating iasa ang lahat sa Diyos

Kailangang tayo ang siyang kumilos;

Kung tayo’y pabaya sa paghihikahos

Ang kakamtan nati’y parusang mataos!

 

Mabilis kumilos ang taong mapera

Kaya pera nila’y malaking biyaya;

Ang mga mahirap na nakatunganga

Nakakamit nila ay buhay timawa!

 

Kaya tayong lahat ay dapat humakbang

Sa mabuting hangad na may pakinabang;

Kung tayo’y kunehong ang bilis ay yabang

Mabagal na pagong panalo sa laban!

vuukle comment

DAPAT

DIYOS

HUWAG

KAILANGANG

KAYA

MABAGAL

MABILIS

MALAKING

NAKAKAMIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with