^

Punto Mo

Actress intrigera, pati mga katrabaho binibiktima

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Intrigera rin pala ang actress na ito.  Minsan natanong siya kung sinu-sinong mga friends niya in showbiz na nakasama na niya sa mga projects na ginawa niya. Nagsabi siya ng mga names pero may binanggit siya na may dalawa raw siyang nakasama na nagdidiba-dibahan na ngayon pero siyempre off-the-record. May isang fan na nakarinig ng interview na nag-tweet sa kanya at tinanong kung sino ang dalawang diva friends na sinasabi niya. Sinagot naman niya sa direct message kung sino ang dalawang actress na sinasabi niya pero huwag na raw maingay ang fan, sa kanila na lamang iyon.

MHL gagawing fantaserye

May nagtanong pala kay Suzette Doctolero, writer ng pinag-uusapang pinkserye ng GMA-7 na My Husband’s Lover kung sa ending ay magiging lalaki si Vincent (Tom Rodriguez) dahil maghahanap daw ng paraan ang ama niyang si Armando ng lunas sa problema sa anak na hindi niya matanggap na bading ito. Ayon kay Suzette, hindi raw fantasy love story ang My Husband’s Lover, tina-try daw nilang maging realistic ang story at iha-highlight ang family ni Vincent kung ang love nila ay magiging test upang muling mabuo ang family. Marami pa raw mangyayari sa pagitan nina Vincent, Lally (Carla Abellana) at Eric (Dennis Trillo) hanggang sa pagtatapos nila sa October 18.

Binoy henyo hanggang 9 weeks lang eere

Maraming nagri-request na i-extend ang Binoy Henyo nina Sheena Halili, Luis Alandy, at ng new child wonder ng GMA-7 na si David Remo. Pero nine weeks lamang pala talaga mapapanood ang mga imbensyon ni Binoy at ng kanyang robot na si Bibot.  Sa direksyon ni Albert Langitan, napapanood ang Binoy Henyo bago ang 24 Oras.

Jaclyn mawawala na sa mundo...

Pinag-uusapan lagi ang mga dialogues na binibitiwan ni Jaclyn Jose sa mga eksena niya sa Mundo Mo’y Akin. Mami-miss si Jaclyn ng mga televiewers dahil simula sa Lunes, final week na ng drama series nina Louise, Alden Richards at Lauren Young.  May twist na sa story, dahil darating ang dating boyfriend ni Perlita (Sunshine Dizon) na nakabuntis sa kanya at tunay na ama ni Darlene (Lauren), si George, played by Fabio Ide. 

 

 

vuukle comment

ALBERT LANGITAN

ALDEN RICHARDS

BINOY

BINOY HENYO

CARLA ABELLANA

DAVID REMO

DENNIS TRILLO

MY HUSBAND

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with