^

Punto Mo

Lalaki, dineklara nang patay pero muling nabuhay makaraang tawagin ng anak

- Arnel Medina - Pang-masa

DINEKLARA na ng mga doctor na patay na si Anthony Yale, 37, ng Ohio, pero sa pagtataka ng mga doctor, bigla itong nabuhay makaraang tawagin ng kanyang anak na lalaki.

Isinugod sa ospital si Anthony makaraan siyang matagpuan ng kanyang asawa na walang malay. Sinikap ng asawa na gisingin ang asawa subalit ayaw nitong magising. Agad ineksamin ng mga cardiologist si Anthony. Wala namang makitang baradong ugat sa pasyente. Walang dahilan para ito atakehin sa puso.

Ganunman pilit siyang ni-revive ng mga doctor. Subalit 45 minuto na siyang nire-revive ay wala pa ring nangyari. Hanggang sa ideklara na siyang patay.

Ang pamilya ni Anthony ay nasa isang kuwartong malapit sa emergency room. Nang sabihin ng mga doctor na patay na ang pasyente, ang anak na tinedyer na si Lawrence ay biglang nagtatalon at sumugod sa emergency room na kinaroroonan ng ama. Sabi nito: “Dad, hindi ka pa mamamatay ngayon!”

Hanggang sa mapansin ng mga doctor na nagkaroon ng tibok ang puso ni Anthony. Hanggang sa tuluyan na siyang nabuhay na parang walang anumang nangyari. Hindi maipaliwanag ng mga doctor ang pangyayaring iyon.

 

vuukle comment

ANTHONY YALE

DOCTOR

GANUNMAN

HANGGANG

ISINUGOD

NANG

SABI

SINIKAP

SUBALIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with