^

Punto Mo

Stress management

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

DAHIL papasok na ang Christmas season, mangangarag na naman tayo sa dami ng gagawin at aasikasuhin. Kaya bago pa tayo ma-stress, ibabahagi ko ang stress management tips mula kay Mr. Anthony Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, ang stress ay mabuting bagay. Stress makes you move. Kung walang pressure sa buhay, hindi ito uusad. Kung masyadong kumportable ang lahat, walang tutulak sa iyo upang magsumikap at abutin ang mga pangarap.

1. Ang stress management ay tungkol sa time management. Papaano mo ba pagkakasyahin ang 24 oras sa isang araw para sa lahat ng iyong kailangang gawin, na may oras ka pa rin para sa mga gusto mong gawin para sa iyong sarili. Dapat daw maging balanse ka sa iyong pagtatrabaho para sa pamilya, kompanya at sa iyong sarili. Dahil para ka makapagbuhos ng oras, atensiyon at lakas para sa iba, dapat ay mayroon ka muna ng mga ito sa iyong sarili.

2. Mag-focus lamang daw sa tatlong area sa buhay mo. Huwag masyadong napakaraming inaatupag at tinatrabaho. Winners focus, losers stray. Ang tatlong areas na tinutukoy ay ang: professional (karera); relational (pamilya at mga kaibigan); at personal. Kailangang balanse ka sa lahat ng iyan. Pero ang dapat na huwag mong kakaligtaan ay ang sarili mo. Sa sipag mong kumayod  para sa iyong mga minamahal, huwag ipagkait sa sarili ang kaunting alone time. O kahit ang pagbili ng bagay na ikaliligaya mo huwag lang kalabisan. Huwag maguilty kung sarili mo naman ang pinasasaya mo.

3. Balansehin ang kaisipan at mga gawain mo. Gamitin ng tama ang kaliwa at kanang bahagi ng iyong utak, Hindi ba’t mayroon  tayong left and right hemispheres of the brain? Ang kaliwa o left brain ang responsable sa proseso, resulta, sistema, lohika, polisiya. Ito ang mas istriktong bahagi natin. The left is res­ponsible of execution o ang paggawa ng mga naiisip natin. Habang ang kanan naman ay ang mas malikhain o creative at artistic na part ng ating brain. Dito naninirahan ang mga kulay, simbolo at mga imahe. Ang kanan ang gumagabay sa ating relationships, pati ang pamamahinga, pagre-relax at pagbabakasyon. Nakikita n’yo ang contrast?

Ani Pangilinan, dapat tama at balanse ang  paggamit ng iyong kanan at kaliwang bahagi ng kaisipan. Kailangang namamahinga ka rin para nababalanse at nagkakaroon ng mga bago at sariwang idea para i-execute ng kaliwang utak.­

ANI PANGILINAN

AYON

BALANSEHIN

HUWAG

IYONG

KAILANGANG

MR. ANTHONY PANGILINAN

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with