Pork barrel kailangan nga ba?
Isang malaking kilos protesta ang nakatakdang isagawa ngayong araw na ito sa Quirino Grandstand sa Maynila bilang protesta sa pork barrel.
Malaking kontrobersiya na naman kasi ang nabunyag kaugnay sa maanomalyang paggamit ng pork barrel.
Milyon ang inaasahang lalahok dito na tinaguriang “million people marchâ€
Ito ay sa kabila na pinaboran ni Pangulong Noynoy Aquino ang pagbasura rito.
Kahit hindi aminin ng Pangulo na hindi dahil sa nakatakdang protesta kaya bigla ang pagbabago ng kanyang isip na tuluyang pag-abolis sa pork barrel eh malamang ito na nga ang dahilan.
Talagang nagalit ang marami nating kababayan sa nabunyag na anomalya sa mga bogus na foundation na pinaglaanan ng malaking halaga ng pork barrel.
Marami talaga ang nag- init ang ulo tungkol dito, eh siyempre naman saan ba galing ang malaking halagang ito kundi sa tax na kinakaltas sa taumbayan.
Sa mga pahayag ng Pangulo giniit niya ang ilang patakaran para maiwasang masamantala ang pork barrel. Maganda ang kanyang mga inihayag para masala ang mga paglalaan ng pondo at kung paano ito ididirekta sa mga ahensya ng pamahalaan na sangkot sa mga paglalaanan.
Sana nga ay maisaayos na ito kung hindi talaga tuluyang tatanggalin kaya nga lang baka naman ang inabolis lang eh ang katawagang ‘‘ pork barrel’’ at papalitan lang ng ibang katawagan pero ganun din ang maging sistema.
Huwag din sana na maging bias ang mga imbestigasyon sa anomalya para makita ng taumbayan na patungo nga tayo sa tuwid na daan.
Aantabay tayo sa mga magiging protest sa a raw na ito at kung ano ang magiging tugon ng gobyerno ukol dito. bayan na patungo nga tayo sa tuwid na daan.
Aantabay tayo sa mga maÂgiging protest sa a raw na ito at kung ano ang magiging tugon ng gobyerno ukol dito.
- Latest