Mga dapat tandaan kapag may kalamidad
SA susunod na may kalamidad na humagupit sa bansa, makatutulong kung mayroon tayong emergency hotlines. Sa panahon ngayon na hindi sigurado kung babahain ang bahay mo, mabuti nang handa. Tandaan ang mga hotlines na ito: PAG-ASA, 433-8526; National disaster Risk Reduction Management Council, 911-1406; MMDA flood control, 882-4177; Philippine National Police, 117; Philippine Coast Guard, 527-613; Philippine Red Cross, 911-1876; Bureau of Fire Protection, 729-5166; Sagip Kapamilya, 411-4995; Kapuso Foundation, 981-1950.
Mga bagay na dapat tandaan sakaling umakyat ang tubig sa tahanan:
(1) Iangat ang kalan, water heater at iba pang appliances; (2) Kung kaya pa ay gumawa ng mga harang o barikada upang hindi tuluyang pasukin ng tubig ang tahanan;
(3) Kung alam n’yong prone sa pagbaha ang inyong lugar, lumikas na hanggat kaya pang malakbay o mailabas ang inyong sasakyan. Kung wala namang ibang mapupuntahan, iparada ang sasakyan sa pinaka-mataas na bahagi ng village at manatili na lamang sa second floor ng inyong bahay. Siguruhin lamang na may mga sapat na pagkain, gatas, supplies etc. para sa ilang araw na hindi kayo maaaring lumabas ng tahanan;
(4) Kung may maaaring paglikasan na ibang bahay na maaari kayong makituloy, i-safety na ang inyong mga kagamitan sa 2nd o 3rd floor ng inyong bahay para bagamat malayo kayo ay may daratnan pa rin kayong mga kagamitan matapos ang bagyo. Patayin din ang main switches. Hugutin ang lahat ng saksak ng mga appliances;
(5) Kung susugod sa tubig, humanap ng kalmadong bahagi. Huwag sa running water dahil malakas ang current nito. Baka anurin ka. Magdala ng stick o patpat na maaaring ipantusok sa lalakaran mo upang matukoy kung gaano kalambot o katigas ang lupang lalakaran mo. Baka mamaya ay lumubog ka pa; (6) Mag-ingat sa mga daga at mga ahas na nasa tubig o mga nakaÂsilong din sa mga sulok-sulok ng tahanan at mga kalsada;
(7) Kung nagmamaneho, huwag susugod sa baha. Alam n’yo bang ang six inches na taas ng tubig ay maaari ng pasukin ang ilalim ng sasakyan at magdulot ng kawalan ng control dito?
Ang 12 inches ng tubig ay kaya ng magpalutang ng saÂsakyan at 24 inches ng tubig ay kaya ng anurin ang sasakyan mo – mapa SUV o pick-up pa iyan;
(8) Sa panahon ng sakuna, huwag basta-bastang galaw ng galaw. Mag-isip kahit pa nagmamadali na. Or better yet, bago pa man mapasok sa emergency situations, magÂplano na kaagad para handa ka sa maaaring harapin at kung papaano reresponde nang tama.
- Latest