^

Punto Mo

Multiple intelligences

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

ALAM n’yo bang hindi lamang Intelligence Quotient (IQ) ang sukatan ng katalinuhan? Ang IQ ang karaniwang sukatan sa mga paaralan kaya akala natin ito lamang ang pamamaraan.

Ayon kay Howard Gardener, ang IQ ay isa lamang sa walong intelligences. Ito ay mga sumusunod:

1. Verbal Linguistic-Word Smart — Magaling sa pagbabasa, pagsusulat, pagkekwento, pagmememorya ng petsa. Mahilig magsulat, magkwento, gumawa ng mga puzzles at mag-memorize.

2. Math-Logic-Number Smart — Magaling sa matematika, pagrarason, lohika, problem-solving at madaling makakita ng patterns. Mahilig sa pagresolba ng suliranin at mga tanong, mahilig sa numero at mag-eksperimento.

3. Spatial-Picture Smart — Magaling magbasa lalo na ng mga mapa at chart, gumuhit, gumawa ng mga imahe at visuals. Mahilig magdisenyo, gumuhit, lumikha, mag-daydream at tumingin ng mga litrato. Naku ito yata ako!

4. Bodily-Kinesthetic-Body Smart — Magaling sa sports, pagsasayaw, pag-arte, paggawa ng crafts at paggamit ng tools. Mahilig gumalaw-galaw, maglibot, humawak ng mga bagay at kumausap sa mga tao at gumamit ng body language. Puwede rin pala ako rito.

5. Musical Music Smart — Magaling sa pagkanta, pagkilala ng iba’t ibang mga tunog, pag-alala ng mga himig, mahilig kumanta, humuni, makinig sa musika at magpatugtog ng instrumento.

6. Interpersonal-People Smart — Magaling umintindi at bumasa ng mga tao, manguna o maging leader, magaling mag-organisa, makipag-usap at mag-negotiate, umayos ng mga di-pagkakaintindihan, magaling magbenta. Mahilig makipagkaibigan, makipag-usap sa mga tao at sumali sa mga grupo. Kung very sociable ang anak mo, maaaring ito ang kanyang area of strength! Puwede siyang PR.

7. Intrapersonal-Self Smart — Magaling umintindi at lubusang kilala ang sarili, kinikilala ang kanyang kalakasan at kahinaan, pati sa paggawa ng goals sa buhay. Mahilig magtrabaho mag-isa, magmuni-muni at isulong ang kanyang mga interes.

8. Naturalist-Nature Smart — Naiintindihan niya ang kalikasan o nature, magaling sa pagkakaiba-iba, kayang-kayang isa-isahin ang mga halaman at hayop. Mahilig sa kahit anong may kinalaman sa kalikasan.

vuukle comment

BODILY-KINESTHETIC-BODY SMART

HOWARD GARDENER

INTELLIGENCE QUOTIENT

INTERPERSONAL-PEOPLE SMART

INTRAPERSONAL-SELF SMART

MAGALING

MAHILIG

SMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with