Lampong (375)
NANG mapagod sa paglalakad dahil sa paghahanap sa address, ipinasya ni Jinky na magtanong sa babae na nasa isang maliit na tindahan. Pakiramdam ni Jinky ay naliligaw siya kaya hindi matagpuan ang address.
“Magandang umaga po, ito po ba ang Musnit Street?â€
Napanganga ang babae na parang nagulat sa biglang paglapit ni Jinky. Matagal na nakatitig sa kanya ang babae. Parang namalikmata. Hindi alam ni Jinky kung nagagandahan at nasiseksihan sa kanya.
Matagal pa bago nakaÂsagot kaya inulit ni Jinky ang tanong. “Manang, ito po ba ang Musnit Street?’’
“Ha? A e hindi! Teka, dun yata!â€
“Hindi po ito?’’
“Oo. Dun yata sa kabila ng tulay ang Musnit Street.’’
“Kasi po sabi ng traysikel drayber na sinakyan ko kanina, deretsuhin ko lang itong kalye na ito. Ito raw ang Musnit Street.’’
“Niloko ka ng drayber na iyon. Hindi ito ang Musnit Street kundi yung nasa kabila ng tulay.’’
‘‘A sige po, Manang, maÂraming salamat.’’
“Mag-ingat ka diyan at maraming…’’ Hindi na itinuloy ng babae ang sinasabi.
Umalis na si Jinky at tinungo ang direksiyon patungo sa tulay. Susundin niya ang sinabi ng babae. Mas kapani-paniwala ang sinabi ng babae dahil taga-rito siya.
Nang marating ang tulay, marami palang bahay sa kabila niyon. Maikli lang ang konÂkretong tulay. Nang silipin niya ang ibaba ng tulay, wala namang tubig ang ilog. Pawang bato ang nakita niya.
Magaganda ang bahay pero ang ilan ay mga luma. Parang mayayaman ang mga nakatira sa kabila ng tulay. Bawat bahay na madaanan ay tinitingnan ni Jinky. Alin kaya rito ?
Dinukot ni Jinky sa bulsa ang kapirasong papel na may address. Binasa ang address: 13 Musnit Street.
Tiningnan niya ang number sa bahay na dinaanan sa gawing kanan niya. No. 5. Ang kasunod ay No. 7. Odd number sa kanan. Kung ganoon ay nasa tamang side siya. Nadaanan niya ang No. 9 pero walang No. 11. Putol na ang number! Naglakad pa siya. Isang bahay pa ang nakita niya. Kung susundin ang number ang bahay na nasa tapat niya ang No. 13.
Tiningnan niya ang bahay. Malaki pero luma.
Ito na kaya ang bahay na hinahanap niya?
(Itutuloy)
- Latest