^

Punto Mo

Sino ang bubuwenasin kina Erap, Lim at Isko?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report. Nakopo ni Brian Corcuera ang lahat ng klaseng illegal na sugal sa Pasay City. Ipinamalita pa ni Corcuera na siya ang binasbasan ni Mayor Tony Calixto para kontrolin ang kalakaran ng pasugalan sa Pasay. Kaya tulala mula Lunes ang mga karibal sa negosyo ni Corcuera dahil inagaw niya lahat ang mga puwesto nila. Kung laganap ang bookies ng karera, ending, lotteng, at pati video karera sa Pasay City, ‘yan ay dahil sa kagagawan ni Cor­cuera. Sino kaya ang mga kasosyo ni Corcuera at mukhang hindi sila takot sa no take policy ni NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr.?

* * *

Habang abala si Manila Mayor Erap Estrada sa pagsangga ng disqualification case na inihain laban sa kanya ng kampo ni ex-Mayor Fred Lim, sinamantala naman ito ng mga “kotong” cops. Si Erap kasi ay naghain ng pleadings sa korte nitong Lunes at hiniling na balewalain ang disqualification case laban sa kanya. Madaming dahilan ang iginiit ni Erap sa pleadings niya at sa ngayon hinihintay niya ang katugunan ng Supreme Court kung tatagal ba siya sa puwesto o hindi. Siyempre, ang kampo naman ni Lim ay nananalangin na paboran ng SC ang inihain nilang disqualification case. Ayon sa kampo ni Lim, kapag na-disqualify si Erap, siya ang uupo dahil ang kaso na isinampa nila ay bago pa mag-election noong Mayo. Samantala, nanonood lang sa mga developments si Vice Mayor Isko Moreno. May mga desisyon kasi na inilabas na ng SC na hindi si Lim ang uupo kundi ang nahalal na vice mayor. Kaya ang kampo nina Erap, Lim at Moreno ang nag-aabang sa desisyon ng SC. Sino kaya ang bubuwenasin sa tatlo? Sino ang manok n’yo mga kosa?

Habang abala si Erap, sina PO3 Fernando “Andoy” Diamzon at Insp. Arnold Sandoval naman ay nag-aagawan ng mga puwesto bilang tong collector ng City Hall at MPD. Kanya-kanyang pakulo sila at hindi pa masabi ng mga kosa ko kung sino ang nanalo dahil masalimuot pa ang sitwasyon dito sa kampanya ni Erap laban sa pasugalan at kotong cops. Subalit sinabi ng mga kosa ko na ang mga puwesto nina SPO4 Gener Presnedi at Delfin “Daboy” Pasya ay bukas na bukas at mukhang iniiwasan sila nina Sandoval at Diamzon. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Ang sistema sa ngayon, kapag nahuli ang mga butas mo, tiyak ubos din ang mga pitsa ng naaresto, pati na ‘yong nakatago sa kani-kanilang pitaka, dahil ebidensiya umano ito. Tutubusin mo ng P3,000 kada isa sa mga bata mo at hindi pa kasama rito ang piyansa. At ang pinaka-mabigat, kailangan mong tumimbre para hindi ka na daanan ng delubyo nina Sandoval at Diamzon. He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Dapat siguro daanan din ng mga bataan ni Garbo ang Maynila para magkaalam-alam na, di ba mga kosa?

Ang tanong pa ng mga kosa ko, bakit sobrang tahimik si Sr. Insp. Carlo Manuel, ang hepe ng CIDG field office sa Maynila sa patuloy na gambling operations nina Presnedi at Pasya? Kung wala nang ganang magtrabaho si Manuel dapat sigurong palitan na siya. Teka nga pala, sino sina PO3 Ruel Robles at alyas Tiger? Abangan!

ARNOLD SANDOVAL

BRIAN CORCUERA

CARLO MANUEL

CORCUERA

DIAMZON

ERAP

PASAY CITY

SINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with