^

Punto Mo

‘Sharing Forever’

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

PUMASOK sa isang hamburger fast food ang mag-asawang sa unang tingin ay naglalaro ang edad sa 78 to 80 years old. Sa kabila ng katandaan, masigla pa rin silang kumilos.

Ang lalaki ay nag-order ng isang hamburger, isang order na French fries at isang basong softdrink. Bitbit ng lalaki ang tray na kinalalagyan ng kanilang inorder. Nauna nang umupo ang babae. Inalisan ng balot ang hamburger at hinati ito sa dalawa. Ipinatong ng lalaki ang kalahati ng hamburger sa tapat ng babae. Binilang ng lalaki kung ilang piraso ang French fries. Hinati niya ito at inilagay ang kalahati sa tapat ng kanyang asawa. Maya-maya ay nag-umpisa na silang kumain. Naunang sumipsip ng softdrink ang lalaki gamit ang straw, pagkatapos ay iniabot sa kanyang misis at ito naman ang sumipsip. Habang kinakagat ng lalaki ang kanyang hamburger at kinakain ang kanyang French fries,  hindi pa ginagalaw ng babae ang kanyang “share”. Sumisipsip lang ito paminsan-minsan ng softdrink.

Napansin ang dalawang matanda ng mga teen-ager na naka­upo sa katabing mesa. “Kawawa naman ang matatanda. Isang meal lamang ang kayang bilhin. Guys, mag-ambag-ambag tayo. Ibili natin sila ng isa pang meal para di na maghahati”.

Pagkabili ng isang meal ay inihatid ito ng isang teen-ager sa mesa ng dalawang matanda.

“Excuse me po, Sir, Mam, napansin po naming magkaka­ibigan na hindi kayo makakain nang sabay sa isang meal na inyong pinaghahatian kaya ibinili po namin kayo ng isa pang meal para sabay na po kayong kumain”.

Nakangiting sumagot ang babae, “No, thank you. Ang totoo ay walang problema. Sanay kaming mag-asawa na laging magkahati sa lahat ng bagay. Hindi kami puwedeng magsabay kumain dahil ginagamit pa niya ang aking pustiso.”

BINILANG

BITBIT

HABANG

HINATI

IBILI

INALISAN

IPINATONG

ISANG

KAWAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with