^

Punto Mo

‘Balls’ ng paralisadong lalaki, kinain ng alagang aso

- Arnel Medina - Pang-masa

ANG lalaki ay taga-Arkansas, 39-anyos at paralisado ang ibabang bahagi ng katawan. Nakaugalian na niyang hubad kung matulog sa gabi. At iyon ang kanyang malaking pagkakamali. Kung mayroon man lang sana siyang brief habang natutulog, hindi makakain ng kanyang alagang aso ang isa niyang “balls’’.

Nagulat umano ang lalaki nang magising nang madaling araw at makitang mayroong kinakain ang kanyang alagang aso sa dakong ibaba ng kama. Sarap na sarap ang aso sa pagkain.

Ganoon na lamang ang paghihinagpis ng lalaki nang malaman kung ano ang kinakain ng aso --- ang kanyang kaliwang bayag (testicle). Nang pagmasdan niya ang nasa pagitan ng kanyang hita, wala na ang isa niyag bayag at pawang dugo ang nakita niya. Pero wala siyang naramdamang sakit o anupaman sa bahaging iyon.

Agad tumawag ng ambulansiya ang lalaki at isinugod sa ospital. Agad siyang ginamot at nailigtas sa kamatayan.

Ang aso ng biktima ay dinala naman ng mga pulis sa isang local veterinarian at doon inilagak. Ayon sa report ang aso --- isang askal (asong kalye) ay tatlong linggo pa lamang inaalagaan ng paralisadong lalaki. Lagi umanong isinasama ng lalaki sa kanyang kuwarto ang aso.

 

vuukle comment

ASO

AYON

GANOON

KANYANG

LAGI

NAGULAT

NAKAUGALIAN

NANG

PERO

SARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with