^

Punto Mo

Dapat parehas si Roxas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ni DILG Sec. Mar Roxas ang pagkamatay ni Ryan Lorenzo sa Taytay, Rizal. Si Lorenzo mga kosa ay isa sa mga tong collector ni Jojie Lizarda, ang godfather ng mga pasugalan sa Calabarzon area. Kung pinaimbestigahan ni Roxas ang pagkamatay ni Ricky Cadavero, alyas Kambal, ang lider ng Ozamis robbery gang, dapat ganundin ang gawin niya sa kaso ni Lorenzo, di ba mga kosa? Kung ang suspetsa ni Roxas ay na-salvage ng mga pulis si Cadavero at ang kasamang si Kulot, sa tingin din ng mga kosa ko, pulis din ang pumatay kay Lorenzo. Ang puna ng mga kosa ko, sa panahon ni Roxas sa DILG, ang mga kriminal ang binibigyan ng importansiya at ang ebidensiya ay ang kaso ni Cadavero. Para maging parehas si Roxas, ituon din niya ang pansin sa kaso ni Lorenzo. Sa tingin ni Roxas, walang magawang magaling ang PNP ngayon. He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Kung sabagay, pangalawang tong collector na nakabase sa Calabarzon si Lorenzo na nadisgrasya. Naunang nawala si Jess Alcover na dinukot ng armadong kalalakihan sa pergalan ng isang alyas Egay sa Kawit, Cavite. Ang suspetsa ng mga kosa ko, na set-up si Alcover ni Egay. Hanggang sa ngayon, hindi pa inilulutang ng mga abductor niya si Alcover. Ang panalangin naman ng mga kaanak niya, sana ay buhay pa si Alcover.

Sa pagkaalam ko, sina Lorenzo at Alcover ay kapwa tong collector sa mga pasugalan sa Calabarzon. Maraming unit ng PNP at mga ahensiya ng gobyerno ang ikinukolekta nila ng lingguhang intelihensiya at isa na ang CIDG sa Camp Crame. Ang siste, may balita ako na kahit walang basbas ng mga hepe ng mga operating unit ng PNP at government agency, aba ikinokolekta pa nila ang mga ito. At minsan mas masahol pa sila sa mga pulis kung umasta. May kaso pa na itong mga sibilyan na kolektor ay naghahamon pa ng barilan sa mga tunay na pulis. Kaya galit itong mga pulis sa Calabarzon kina Lorenzo at Alcover, di ba mga kosa?

Dahil sa pagkamatay nina Cadavero at Kulot, nasibak sa puwesto si Gen. Pompom Estipona. Sinundan niya ang magiting na PNP official na si Gen. James Melad na nasangkot sa Atimonan massacre. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit pumapalakpak ang mga katoto ko sa Calabarzon area sa pagkasibak kina Melad at Estipona. Ang tawag nila sa dalawang PNP officials ay ‘‘imbudo.’’ He-he-he! Ano ba ‘yan? Si Gen. Jess Gat-chalian kaya na OIC ng Calabarzon police ay ‘‘imbudo’’ rin?

Kung malas sina Melad at Estipona, buwenas naman si Lizarda. Kasi nga kahit abo’t langit ang sigaw ni Gatchalian na ‘‘no take’’ siya sa pasugalan, eh tuloy naman ang pag-iikot ni Lizarda. Kung ayaw ni Gatchalian ng pitsang galing ke Lizarda, eh sino ang tumatanggap ng lingguhang grasya? Mula nang mawala si Alcover at mapatay si Lorenzo ay binitawan na ni Lizarda ang pagkolekta ng tong para sa CIDG sa Laguna. Alam kasi ni Lizarda na kapag ipinilit niya ang sarili niya, baka sumunod siya sa mga yapak nina Alcover at Lorenzo, di ba mga kosa? Teka nga pala, congrats sa bagong promote na CIDG chief Director Frank Uyami!

Abangan!

vuukle comment

ALCOVER

CADAVERO

CALABARZON

CAMP CRAME

DIRECTOR FRANK UYAMI

LIZARDA

LORENZO

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with