Luluwag pa ang kalye sa Maynila dahil kay Erap
HINDI lang si Adamson University professor Royno Bacalso ang pabor sa kampanya ni Manila Mayor Erap Estrada laban sa mga colorum bus kundi maÂging ang maraming Manilenyo. Dati-rati’y inaabot ng halos isang oras ang biyahe ni Bacalso mula Sampaloc hanggang sa Kalaw St. sa Intramuros. Subalit nang ipaÂtupad ni Erap ang bus ban, inabot na lang si Bacalso ng mahigit 10 minuto. Kaya marami pang oras si Bacalso para sa kanyang pamilya o dili kaya’y sa Muscle’s & Curves gym sa Cristobal St. Sampaloc. Kapag pinalawak pa ni Erap ang kampanya vs colorum bus at isama ang mga tricycle, kuliglig at de padyak, tiyak luluwag pa ang mga kalye sa Maynila at siyempre, makikinabang dito si Bacalso at mga Manilenyo. May punto si Erap dito, di ba mga kosa? Pero di ba dapat lang unahin ni Erap na ayusin ang hanay ng tricycles sa kanto ng Altura St., at Buenos Aires St., na halos 50 metro lang ang layo sa bahay niya sa Sta. Mesa dahil inangkin na ng mga driver ang buong bangketa? Bumabalandra rin ang tricycles sa gitna ng Aurora Blvd., para maghanap ng pasahero nila. Kailangan pa bang maaksidente ang isa sa tricycles bago bigyan ni Erap ng pansin ang problemang dulot nila? He-he-he! Tatamaan din kayo ng kidlat ni Erap!
Sa kampanya naman laban sa pasugalan, pinagpag na ni Chief Insp. Bernabe Irinco, ang hepe ng City Hall detachment, ang tropa nina PO3 Fernando “Andoy†Diamzon, SPO4 Gener “Paknoy†Presnedi, PO3 Mike Pornillos at alyas Fernan at maging ang grupo nina Sr. Insp. Arnold Sandoval, at PO2 Caril at PO2 Angel. Hindi na sila gamit ni Irinco para mangulekta ng lingguhang intelihensiya sa gambling lords. Subalit itong si Presnedi, na naka-assign sa Women’s Desk kahit lalaki, ay nanghihikayat pa sa kapwa niya gambling lord na magpayong sa kanya at siya na lang ang bahala. Ang gambling lord naman na si Delfin “Daboy†Pasya ay nagsa-shout sa radyo na dalawang linggo na lang at tatahimik na ang kalakaran sa Maynila.
Sigurado ako na magtatagumpay lang ang kampanya ni Erap laban sa mga pasugalan kapag naipa-relieve niya ang kotong cops, na halos sila na mismo ang gambling lords sa Maynila. Subalit parang hindi maikumpas ni MPD director Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya†Genabe ang kanyang kanang kamay laban sa kotong cops. Magkano kaya Gen. Genabe Sir? Sinisiguro ko naman na no take talaga si Boy Tuwalya sa pasugalan, di ba mga kosa? Kaya lang ang station commanders niya na no take din kuno ay pinapaikutan ang kanilang hepe na si Genabe. Sa sitwasyon sa ngayon na gerilya ang laban, ang station commanders ay merong P1,000 sa mga bukas na puwesto kada linggo samantalang P400 naman ang sa PCP commanders. Sa MPD headquarters? Wala pa silang kilos mga kosa. He-he-he! Kanya-kanyang raket lang ‘yan. Kailan kaya magkaroon ng honest to goodness raid vs. mga pasugalan ang MPD, ha mga kosa? Puro bodabil lang ‘tong namomonitor ko.
Matagal pa ang kampanya ni Erap vs. colorum buses, pasugalan at kotong cops at hindi ako kukurap para giyahan siya sa totoong nangyayari sa kalye ng Maynila. Ang sinisiguro ko lang, dumadami ang supporters ni Erap dahil sa kaluwagan ng kalsada hindi lang sa pagkawala ng colorum buses kundi maging illegal vendors. Abangan!
- Latest