^

Punto Mo

Food crawl

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KUNG sa Europe ay uso ang mga pub crawl o mga di publicized na tours ng mga bars para sa mga turista, uso naman sa Pop Talk ang Food Crawl kung saan ginagaygay ang mga kilalang kainan sa mga partikular na lugar, o kaya ay cuisine at nire-rate kung pop o flop ayon sa lasa, presyo at lokasyon ng establisimento. Nang mag-guest ako sa nasabing programa ng GMA News TV, halos sumabog ang tiyan ko sa kabusugan. Kahit pa tatlong resto lang naman ang pinuntahan namin at sabi ko ay tikim tikim lang talaga ang gagawin ko hindi ito nangyari! Talagang napakain pa rin ako. Ang maliit talaga, kapag marami ay malaki rin. Malaki rin ang nadagdag sa timbang ko siguro!

Ang mga tinungo namin ay mga kilalang kainan sa university belt sa Maynila. Malapit sa CEU, FEU, UST at karatig unibersidad.

Kilala ang Juana’s sa kanilang Budbod Meals.

Sa halagang P49-80 ay busog ka na sa Juana’s. Una itong nakilala dahil sa kanilang iced coffee, hanggang sa nagkaroon na ng mga pasta at rice meals paglaon. Budbod ang tawag sa kanilang meals dahil ang napakaraming silbi ng kanin ay binudburan ng itlog at kamatis. May kanin, ulam at gulay ka pa. Healthy para sa mga estudyante. Masarap ang kanilang peppered chicken fillet, adobo flakes burger steak at beef tapa. At masarap nga ang kanilang kape na may yelo, o kaya ay frappe style. Sa likod lamang ng FEU ang Juana’s. Pop!

Sunod naming tinungo ang Hanayo. Napakasarap ng Korean Food! Bagamat hindi ako mas­yadong fan ng Kimchi dahil sa pinaghalong asim at anghang nito, na-appreciate ko ito kahit papaano. Hindi nakakapasong init ang tipo ng anghang nito! Nagustuhan ko rin ang kanilang Korean Pizza na parang pancakes sa lambot pero maraming sahog, pati ang beef bulgogi na bina-  balot sa lettuce. Ang pinakapaborito ko ay ang Korean dumpling na parang Gyoza sa Japanese.

Kakaiba ang lasa nito. Marahil dahil sa basil! P100-120 dapat ang budget para sa mga pagkain. Pop!

Pinakahuli naming binisita ay ang Perico’s na may apat na branches sa university belt. American Diner ang feel ng Perico’s at ang kanilang menu ay may Filipino, American, Japanese at simpleng French cuisine din. Hindi mahihirapan dahil sa P60-80 pesos ay meal na ang mabibili mo na may kasamang drink. Masarap din ang mga dessert nilang ubod ng mura talaga abot-kaya ng mga estudyante. Nagustuhan ko ang kanilang chicken bbq at blueberry cheese­cake. Pop!

Nag-enjoy ako ng lubusan sa unang guesting ko sa POP TALK! Pangarap ko ang magkaroon ng food and travel show talaga. Mara-ming salamat sa staff at ma­ging kay Kuya Tony Pet, estudyanteng si Louie from FEU at ang aming blogger na si Ms. Joy ng Occasions of Joy. Ano pang hinihintay mo? Kung doon ka lang sa ubelt nag-aaral o naninira­han, pumunta na sa mga na­banggit kong kainan.

AMERICAN DINER

BUDBOD MEALS

JUANA

KANILANG

KOREAN FOOD

KOREAN PIZZA

KUYA TONY PET

MASARAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with