Lampong (359)
IPINAKILALA ni Mr. Chan si Dick kay dancer Beintetres. Naupo si Beintetres sa tabi ng Tsinoy.
“Siya si Dick, mahusay na entrepreneur. Maraming itik sa kanilang probinsiya at magiging bilyonaryo in the future. Tata-lunin pa ako, ha-ha-ha!â€
“Hindi naman Mr. Chan. Marami pa akong kakaining itik bago kita mapantayan.’’
“Huwag kang magsalita ng negative. Tanggapin mo na lang ang mga sinabi ko, wala namang masama, ha-ha-ha!’’
“Okey Mr. Chan, sinabi mo e.’’
“Tingin ko magiging bilyonaryo ka dahil sa mga itik mo. Mark my word, ha-ha-ha!â€
“Sige Mr. Chan basta sinabi mo.’’
“Okey, Dick. Bahala ka na kay Beintetres. Kayong dalawa na ang mag-usap. Basta wala kang aalalahanin kay Beintetres.â€
“Ba’t aalis ka na, Mr. Chan?’’
“Marami pa akong gagawin, Dick. Enjoy ka na lang kay Beintetres. Siyanga pala, balak kong mag-order ng mga 100 itik, paano ko makukuha. Kahit magkano, walang problema. Basta dumalaga, Dick?â€
“I-text kita Mr. Chan. Huwag kang mag-alala at marami akong dumalaga.’’
“Salamat nang marami Dick.â€
Bago tumayo, may ibinulong ito kay Beintetres. May ibinibilin. Napatangu-tango si Beintetres.
Nagpaalam na si Mr. Chan.
Pinagmasdan ni Dick si Beintetres.
“Mas maÂganda ka pala sa malapitan, Beintetres.â€
“Bolero ka pala, Dick. Akala ko suplado ka.â€
“’Yang ganda mong yan, hindi ko kayang maging suplado.’’
“Marami na bang sinabi sa iyo si Bosing?’’
Si Mr. Chan ang sinasabi ni Beintetres.
“Ano, sabi niya at magaling ka raw na tubera. Totoo ba?â€
“Medyo lang.’’
“Talagang mahusay ka raw maglinis ng tubo.’’
“Medyo nga lang.’’
“Baka naman sa sobrang linis e numipis ang skin, ha-ha-ha!â€
“Bakit hindi pa natin subukan?â€
“Game! Saan ba tayo, Beintetres?â€
“Sa cubicle. Dun sa VIPs. Yun ang instruction ni Bosing.â€
Tinungo nila ang cubicle para sa VIPs.
Nang nasa loob na, binola-bola muna ni Dick si Beintetres.
“Anong name mo? Yung totoo ha?â€
“Zen.â€
“Zenaida.â€
“Hindi. Zenia.’’
“Ganda.’’
Nilapitan na siya ni Zen. Eto na ang hinihintay ni Dick.
(Itutuloy)
- Latest