^

Punto Mo

Lumpong (358)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“HINDI, Mr. Chan. Naaaliw lang akong tingnan ang dancer na iyan,” sabi ni Dick.

“Owww, tayo ba naman ay maglolokohan pa? Alam ko ang isang lalaki kapag nililibugan, ha-ha-ha! Nakaluwa na ang mga mata mo, ha-ha!”

Napangiti si Dick. Nakita pala ng Tsinoy ang pagluwa ng mata niya. Inoobserbahan pala siya. Sabagay tama naman ang sinabi nito dahil parang nabubuhay na ang “alaga” niya. Ibig sabihin, naantig siya ng ginagawa ng dancer No. 23.

“Ano, Dick, gusto mo ba si Beintetres?”

Napangiti uli si Dick. Talagang kinukulit siya ng Tsinoy. Parang kung makaalok ito ay pag-aari ang dancer. Ito ang hirap kapag maraming pera, akala lahat ay puwedeng bilhin.

“Ano kukunin mo ba si Beintetres, Dick? Walang problema. Akong bahala.’’

“Pinasisikatan mo yata ako Mr. Chan. Pero kahit na hingin ko si Beintetres, hindi ko pa rin ibebenta ang INASALITIK. Kahon pa rin, Mr. Chan.”

“O bakit naman napasama ang INASALITIK? Walang kaugnayan yun kaya kita ina­alok na kunin si Beintetres. Walang nego-negosyo sa oras na ito, gusto ko lang e mapaligaya ka. Tingin ko kasi sa’yo e medyo hindi na nalilinis ang tubo mo.    At si Beintetres ay mahusay maglinis ng tubo. Kumbaga, tubera si Beintetres, ha-ha-ha!”

Nagtawa rin si Dick. Pati paglilinis ng tubo ay pinakialaman. Pero nahamon si Dick sa kakulitan ng Tsinoy.

“Sige nga Mr. Chan. Nakakahiya naman na alok ka nang alok e panay naman ang tanggi ko.’’

“’Yan ang gusto kong marinig sa’yo Dick.’’

“Pero teka, parang napaka-lakas mo rito sa Ms. Unibersidad. Parang lahat ay kaya mong kunin.”

Nagtawa si Mr. Chan. Pagkatapos ay inilapit ang bibig sa taynga ni Dick. Binulungan.

“Sa akin ang KTV bar na ito.”

Patda si Dick. Kaya pala napakalakas ng loob.

“Maghintay ka lang at pagkatapos mag-perform si Beintetres e dito na siya sa piling mo, ha-ha-ha!”

Lumipas ang 30 minutes at ito na si Beintetres. Naka-jeans na nang hapit at shirt. Maganda pala lalo sa malapitan.

“O eto na si Beintetres. Sabihin mo na ang mga gusto mong sabihin, Dick.”

Natigilan si Dick. Totoo na ito. Mamaya, tetestingin niya kay Beintetres ang “alaga” niya. Titingnan niya kung uubra na.

(Itutuloy)

 

vuukle comment

ANO

BEINTETRES

DICK

MR. CHAN

MS. UNIBERSIDAD

NAGTAWA

PERO

TSINOY

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with