^

Punto Mo

Sanayan lang yan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Mukhang natutumbok na talaga, na ang mga pampasaherong bus ang siyang sanhi ng matinding pagsisikip ng trapik sa Metro Manila.

Kahapon kasi nagsagawa ng dry run sa ipapatupad na interim bus terminal sa mga provincial buses ang MMDA sa Southwest Interim Transport Terminal sa Parañaque.

Aba’y dry run pa lang daw naramdaman na ang epekto ng proyekto dahil sa biglaang pagluwag ng daloy ng trapiko sa EDSA.

Dumagsa ang mga post sa social networking site at marami ang takang-taka sa biglaang pagluwag ng trapik sa Edsa.

Sa ilalim ng interim bus terminal, pagbabawalan na ang mga provincial buses na ‘mamasyal’ pa sa Edsa, kaya nga maglalaan ng kani-kanilang terminal para sa mga provincial bus na manggagaling sa Katimugan, sa Norte at South.

Nauna rito,  ipinagmalaki ng Manila government ang pagluwag ng trapik sa mga pangunahing lansangan sa lungsod matapos na ipatupad nila ang bus ban.

Hindi na rin nila pinapayagang pumasok sa Maynila ang mga city at provincial bus na walang mga permanenteng terminal.

Ito  ay bisa ng ordinansang inaprubahan ng konseho sa lungsod.

Sa kabila ng mga batikos at pagtutol ng mga bus operators at mga naapektuhang pasahero, damang-dama raw talaga ang pagluluwag ng trapik sa Maynila kaya patuloy nila itong ipapatupad.

Kaya nga, natutumbok na umano na talagang mga bus ang isa sa pangunahing sanhi ng trapik sa Kalakhang Maynila.

Kung sabagay, sanayan na lang siguro ang mangyayari rito. Pagnagtagal marahil masasanay na ang marami partikular ang  mga mananakay.

At kung dumating ang panahon na ito, aba eh matagalan na marahil na maramdaman ang maluwag na daloy ng trapiko sa Maynila.

Para din itong number codin­g,  sa Makati City walang ‘window’. O eh bakit ito nakasanayan na ring sundin ng mga motorista na kapag coding sila anumang oras eh hindi sila dadaan sa Makati?

Talagang ganyan, sanayan lang at ang kapalit naman siguro eh ginhawa.

 

BUS

EDSA

KALAKHANG MAYNILA

MAKATI CITY

MAYNILA

METRO MANILA

SOUTHWEST INTERIM TRANSPORT TERMINAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with