^

Punto Mo

Lampong (356)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NANG alisin ng dancer ang kapiranggot na nakatakip sa “kaangkinan” halos lumuwa ang mga mata ng nanonood. Mas lalo nang lumuwa nang tumalikod at tumuwad ang batambatang dancer. Humaba ang leeg nang marami para mabistahan ang “kaangkinan”. Pagkatapos ay sumalampak na sa sahig ang dancer at doon lalo pang pinasilip ang “kaangkinan”.

Si Dick ay hindi mapakali. Kapag ganoon ang eksena ay may kumikiliti sa kanya. Naghahatid ng kuryente sa kanya ang mga ginagawa ng babae. Lumilikot ang imahinasyon niya. Kung sila lang dalawa ng babae ang narito, baka may nangyari na. Allergic siya sa tumutuwad-tuwad na babae. Kapag tumutuwad ang babae, kailangang pagbigyan. At ang posisyong iyon ang type niya. Naramdaman ni Dick na may tumitibok-tibok sa harapan niya.

Pumapayag kayang magpa­labas ang babaing iyon? Ganito ang gusto niya yung may pagka-wild.

Pero nagdalawang isip si Dick. Di ba mula nang mapa­ngasawa si Jinky ay naipangako niyang wala nang ibang babae na masasangkot sa kanyang buhay. Tapos na ang pakikipaglaro niya sa mga “anak ni Eba”.

At isa pa, delikadong tumi­kim ng babae ngayon dahil nag­kalat ang AIDS. Baka sa kagustuhan niyang masubukan kung puwede na ang “alaga” niya ay lalo lang mapasama. Baka mamatay pa siya sa AIDS.

Hindi na muna. Saka na lang. Pero tinandaan niya ang number ng babaing dancer na “pumukaw” sa kanya. Number 23.

Umuwi na siya nang maka­inom ng anim na beer.

Pagdating sa bahay, inob­serbahan niya ang “alaga”. Aba at lumalaban na. Tumitindig na. Parang kobra na!

Mukha ngang napukaw ni Ms. 23 ang kanyang palyadong “alaga”.

Isang araw ang makalipas, muli nagtungo si Dick sa Ms. Uni­bersidad. Bahala na. Basta ilalabas niya si Ms. 23. Kahit magkano, magbabayad siya. Basta matesting lang niya ang “alaga”.

Marami nang tao sa Ms. Unibersidad. Pumuwesto siya sa dakong unahan. Hindi pa nagpi-perform sa stage si Ms. 23. Baka siya ang attraction. Umorder siya ng dalawang beer at crispy pata. Nang i-serve ang beer, tungga agad siya. Ahhh, sarap! Tamang-tama ang lamig. Pu­miraso siya ng crispy pata. Isinawsaw sa masarap na sukang maanghang. Napasipol siya sa anghang. Sinundan niya ng tungga. Ahh, sarap talaga!

Maya-maya pa, namatay ang ilaw. Nang buksan, nasa gitna na si Ms. 23. Titig na titig si Dick. Batambata talaga.

Nagsimulang umindayog si Ms. 23. Pakislot-kislot. Maharot ang tugtog. Titig na titig si Dick.

Nasa ganoon siyang sitwasyon nang isang lalaki ang bumati sa kanya. Si Mr. Chan. Ang Tsinoy na gustong bilhin ang INASALITIK Restaurant.

(Itutuloy)

vuukle comment

ANG TSINOY

KAPAG

MR. CHAN

MS. UNI

MS. UNIBERSIDAD

NANG

NIYA

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with