^

Punto Mo

Unahin mo ang kotong cops, Mayor Erap

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

NAGSAMA-SAMA ang kotong cops ng Manila Police District para mapaglalangan ang kampanya ni Mayor Erap Estrada laban sa pasugalan. Ayon sa mga kosa ko sa MPD, ang mga kotong cops sa ngayon ay namumugad sa kuwadra ni Chief Insp. Bernabe Irinco, ang hepe ng City Hall detachment. Mukhang nabili na ng kotong cops si Irinco na hindi alam na iniiputan lang siya ng mga ito para linlangin o hatakin pababa ang kampanya ni Erap laban sa pasugalan. Halos lahat ng kotong cops na ito mga kosa ay may sa­riling butas ng bookies ng karera o hindi kaya ay nakapatong sa mga operator at financiers ng pasugalan noong panahon ni Mayor Fred Lim. At karamihan sa kanila ay hindi naka-assign mismo sa City Hall kaya kapag tiningnan ang roster ng personnel sa opisina ni Irinco, hindi sila matatagpuan. ’Ika nga, merong deniability si Irinco kapag nabulgar ang gawain nitong mga alaga niya. Get’s n’yo mga kosa?

Sinabi ng mga kosa ko na kung itong si Erap ay no take sa pasugalan, itong si Irinco naman, na kanyang aide-de-camp, ay take nang take. At ang tong collector ni Irinco ay sina PO3 Fernando “Andoy” Diamzon, SPO4 Gener “Paknoy” Presnedi, PO3 Mike Pornillos at alyas Fernan. Si Diamzon ay naka-assign sa Station 3, at si Presnedi ay sa Women’s Desk kahit lalaki siya. Si Presnedi mga kosa ay may halos 80 butas ng bookies ng karera sa Maynila at karamihan ay nakapayong kay Delfin “Daboy” Pasya.

Nasa kuwadra rin ni Irinco ang tropa ni Sr. Insp. Arnold Sandoval, PO2 Caril at PO2 Angel. Si Sandoval ang itinuturo na nasa likod ng video karera operation ng mag-asawang Romy At Gina Gutierrez noong panahon ni Lim. Bayaw ni Sandoval ang anak ni Lim na si Cynthia. Itong si Caril ay na-dismiss sa serbisyo matapos kasuhan ng gambling lord na si Ben Tanda sa Mandaluyong City. Nakabalik daw ito at umalis sa EPD at lumipat sa MPD para maghasik ng lagim. Si Sandoval ay naka-assign sa Station 5 ng MPD subalit naka-detail sa opis ni Vice Mayor Isko Moreno. Sina Sandoval, Caril at Angel ay may sariling butas din ng karera at nakapayong din kay Pasya. Get’s mo MPD director Chief Supt. Isagani “Boy Tuwalya” Genabe Sir?

Kaya kapag inutusan ni Irinco ang mga alagad niya na magsagawa ng raid sa mga bookies ng karera, aba iniiwasan nila ang mga puwesto nila, maging ang mga kakilala nilang financiers o operators. Kaya kahit abot-langit ang sigaw ni Erap na ayaw niya ng sugal, mayroon pa ring karera at hindi takot ma-raid dahil ginigiyahan ang financiers nila ng mga kotong cops ni Irinco. Ang mga bukas na butas ay matatagpuan sa 1182 Kundiman, 1000 Bohol St., 954 Roxas St., lahat sa Sampaloc; 2410 Kalimbas St., at 1437 Sulu cor. Alvarez, kapwa sa Sta. Cruz; at 1959-B J.A. Santos at Bukang­liwayway Sts. Ang puwesto naman ng pulis na si Abe Macalagay ay sa Burgos St., malapit sa Plaza de la Virgen sa Pandacan. Ang mga bukas na puwesto ay may mga lookout na. Para magtagumpay ang kampanya ni Erap sa pasugalan, dapat unahin niyang i-relieve ang kotong cops. He-he-he! Malapit nang tamaan ng kidlat ni Erap ang kotong cops. Abangan!

vuukle comment

ABE MACALAGAY

ARNOLD SANDOVAL

B J

CARIL

CITY HALL

ERAP

IRINCO

SI SANDOVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with