^

Punto Mo

Focus

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“Dear Bet, graduating na ko ng high school at may secret crush ako. Di ako maka-focus sa mga lessons kasi classmate ko siya. Siyempre panay ang pa-cute ko lalo na balita ko nagbreak na sila sa wakas ng long time gf niya. This is my chance. Kaso lang parang nasasakripisyo grades ko. Sabi naman ng mga barkada ko okay lang kasi graduating na naman kami, wala nang bearing ang 4th year grades namin sa mga gustong pasukang kolehiyo. Kaso magagalit magulang ko pag nakita nila card ko. Ano kayang magandang irason sa kanila?”

Huwag mong balaking itago sa magulang mo ang iyong card at kung bakit lagpak ka ngayong huling taon mo sa high school. Malalaman at malalaman din nila ang katotohanan. Pinghihirapan ng mga magulang mo na mapaaral ka dahil gusto nilang maganda ang maging buhay mo. Gamitin ang pribilehiyong ito sa tama. Bata ka pa para maging abala sa pag-ibig. Okay lang ang humanga pero kapag natutulala ka na at nawawala sa focus hindi na tama iyan. Sa edad mo ang focus mo dapat ay pag-aaral. Magtapos ka muna ng pag-aaral bago ka magpakangenge sa pag-ibig. Masarap at masaya ang pakiramdam niyan pero hindi pa ngayon ang oras para sa ganyan.

“Hi Bet nire-replay ba ang Power House kasi napanood ko ang episode ni Governor Vilma Santos. Vilmanian pa naman ako kaso na-stranded ako ng araw na iyon.”

Sa YouTube po may mga clips ng previous episodes ng mga shows. Pero napanood ko ang ep ni Ate V. Lalo tuloy akong humanga sa kanya dahil kahit pa nababalanse niya ang pagsisilbi, pag-arte at pagiging ina, nananatili siyang naka-focus sa public service. Siya mismo ang nagra-rounds sa nasasakupan niya at hindi lang nakaprente sa opisina. Gusto niya siya mismo ang nakakakita ng sitwasyon ng mga kababayan niya, gayundin ang nakakarinig ng kanilang mga hinaing. Ito ang isang magandang halimbawa ng naka-focus sa karera.

Minsan na akong na-confuse sa mga nais kong gawin at na-distract sa aking mga dapat gawin. Pero ngayon ay malinaw na sa akin ang aking priority --- ang maging ina kay Gummy at magtrabaho bilang artista, host at manunulat at pangasiwaan ang aking negosyo. Sa dalawang bagay lamang umiikot ang buhay ko -- sa pamilya at trabaho. Tapos na ako sa papitik-pitik. Panahon na upang magseryoso at manatili sa tuwid na daang ipinakita sa akin ng Diyos. Dalangin kong maramdaman at malaman n’yo rin kung ano ang inyong passion at calling sa buhay. Dahil kapag natukoy n’yo ‘yan at manatili lang kayong focused ay malalasap ninyo ang tunay na tamis ng tagumpay at fulfillment sa buhay.

 

vuukle comment

ANO

ATE V

DEAR BET

GOVERNOR VILMA SANTOS

HI BET

KASO

PERO

POWER HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with