^

Punto Mo

Sari-sari

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

IKINAGIMBAL ng lahat ng fans ng hit musical TV show na “Glee” ang pagkamatay ng isa sa mga miyembro ng cast na ito na si Cory Monteith. Bagamat hindi ko palaging nasusubaybayan ang nasabing programa, affected pa rin ako sa paglisan ng nasabing aktor. Nakakalungkot kasi na sa edad 31 ay pumanaw na siya at ito ay dahil pa sa overdose ng pinaghalong alcohol at heroin. Natagpuan siyang nakahandusay sa hotel niya sa Vancouver ng mga staff ng hindi ito gumising at bumaba sa kaniyang itinakdang wake up call.

Dati na umanong mayroong substance abuse problem ang nasabing aktor. Pumasok na rin siya ng rehab ngunit mistulang hindi nito nagapi ang adiksiyon. Nakapanghihinayang ang kanyang buhay.

• • • • • •

Bumisita ako sa taping ng Personalan, Ang Unang Hakbang noong Martes. Nagkataon namang ang episode ay tungkol sa real life ng My Husband’s Lover na eksena. Kung saan ang lalaking may anak at babaing kinakasama ay umamin sa unang pagkakataon sa live-in partner nito na siya ay isang bading at may kasalukuyang boyfriend. Nakakagimbal nang makita kong magwalk out si Lynette (ang wife) dahil hindi niya kinaya ang pag-amin ni Joey (husband) tungkol sa tunay na kasarian nito at ang tungkol sa  lover niyang si Alvin.

Nakakaloka. Nangyayari nga talaga ito sa tunay na buhay! Akala ko ay likha lamang ito lahat ni Ms. Suzette Doctolero, ang aming head writer. Iyon pala ay may true to life MHL din! Abangan ngayong linggo sa GMA News TV, 7:30 p.m. ang episode na ito ng Personalan. Maaantig ang inyong mga damdamin!

• • • • • •

Bukod sa Personalan ay nag-guest din ako sa Mars, kung saan kasama ko si Sol/Sinag o sa tunay na buhay ay si Ms. Chanda Romero. Tinalakay namin ang tungkol sa pagkakaroon ng deadline sa pag-aasawa. Sa tingin mo ba ay dapat may due date na kasal ka na? May takdang edad ba ang pakiki-pag-isang dibdib para sa iyo? Para sa akin wala. Wala ring pressure na makapag-asawa kahit pa single mom ako. Kung pupuwede nga muna huwag muna para ma-enjoy ko si Gummy at ang buhay ko na nagnenegosyo. Wala rin kasing oras para mag-date. Si Ms. Chanda ganoon din. Hindi raw dapat magpadala sa pressure ng lipunan. Iba raw ang deadline ng pag-aanak sa pagpapakasal. Biological daw ang pagbubuntis. Pero ang kasal, take your time. Parang siya. Proud to say na at 59 years old ay ngayon pa lang siya ikakasal. True love! And love waits talaga! Abangan ang episode naming ito sa Mars ng GMA News TV sa darating na linggo!

vuukle comment

ABANGAN

ANG UNANG HAKBANG

CORY MONTEITH

MS. CHANDA

MS. CHANDA ROMERO

MS. SUZETTE DOCTOLERO

PERSONALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with