50 Awesome Household Tips
27) Kung gusto mong matanggal ang amoy malansa pagkatapos magprito ng isda, magpakulo sa kawali ng tubig na may balat ng orange. Dagdagan ng cinnamon powder. Kung wala, puwedeng pakuluan ang balat ng lemon, vanilla o rosemary.
28) Pahiran ng Vicks vaporub ang mga bagay na paboritong kagatin ng aso at pusa o kutkutin ng kanilang kuko. Hindi nila gusto ang amoy ng Vicks (o kahit anong brand) kaya hindi na nila ito gagalawin. Nakakagaling din ito ng toenail fungus.
29) Ipatong ang wooden spoon nang pahiga sa ibabaw ng kalderong may pinapakuluan upang hindi umawas ang sabaw.
30) Grout (puting pagitan ng floor tiles) Cleaner - 1/2 cup baking soda, 1/3 cup household ammonia, 1/4 cup white vinegarÂ, 7 cups warm water. Haluin. Ibuhos sa grout. Hayaang nakababad ng 30 minutes to one hour. Kuskusin ng brush.
31) Aplayan ng iba’t ibang kulay ng cutex ang bawat susi ng kuwarto. Bawat door knob ay lagyan din ng kaunting kulay upang madaling matandaan kung ano ang kapartner nitong susi.
32) Baby powder ang ipantanggal sa buhangin na dumikit sa paa pagkatapos nitong tumapak sa beach.
33) Kung nabasa ang kiskisan ng posporo, ikiskis ang posporo sa papel de liha.
(Itutuloy)
- Latest