^

Punto Mo

Magsasakang natutulog, nabagsakan ng baka mula sa kisame, patay!

- Arnel Medina - Pang-masa

KAHIT saan at kahit kailan daw ay biglang dumarating ang kamatayan. Katulad ng nangyari sa isang magsasaka mula sa Caratinga, Brazil na habang natutulog sa kanyang bahay ay nabagsakan ng isang baka na nagmula sa kisame. Namatay ang magsasaka makaraan ang dalawang araw dahil sa matinding pagkabali ng mga buto.

Sarap na sarap sa pagtulog si Joao Maria de Souza sa kanyang bahay. Pagod na pagod siya noon kaya madali siyang nakatulog. Katabi niya sa pagtulog ang kanyang asawa.

Ang bahay ni De Sousa ay malapit sa bundok. Sa katunayan, ang gilid ng bundok ay halos malapit na sa bubong ng kanyang bahay. Sa bundok ay maraming bakang nangi­nginain ng damo. Napakagandang pastulan ng bundok.

Hanggang isang baka ang mangahas na lumapit sa bahay ni De Souza at tumapak sa bubong nito. Sa sobrang bigat ng baka, bumigay ang structure ng bubong at lumusot ang baka roon. Nahulog at nabagsakan ang natutulog na si De Souza. Ang asawa ni De Souza ay himalang nakaiwas sa bumagsak na baka.

Dinala sa ospital si De Souza subalit namatay pagkalipas ng dalawang araw. Maraming nabaling buto sa kanyang katawan.

 

vuukle comment

CARATINGA

DE SOUSA

DE SOUZA

DINALA

HANGGANG

JOAO MARIA

KATABI

KATULAD

MARAMING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with