‘Playboy Magazine model’
TUMATAAS ang estatistika ng mga nabibiktima ng cyber crime. Isang uri ng krimen na naisasakatuparan sa pamamagitan ng internet!
Dahil masalimuot ang pagresolba sa ganitong mga kaso, sinasamantala ito ginagawang raket ng mga putok sa buho, gamit ang kanilang mga taktika at estilo!
Tulad ng nangyari sa aspiring model ng isang international men’s magazine. Pinag-tripan at naging sunud-sunuran sa isang estrangherong kriminal na nagtatago sa likod ng internet site!
Ayon sa sumbong ni “Aya,†tinatakot siya ng isang nagpakilalang “Joaquin Lima†na ipo-post at ikakalat umano sa social networking sites ang kanyang hubo’t hubad na mga larawan kung hindi siya magpapadala ng libu-libong pera.
Ang lubos na ipinagtataka lang umano ni “Aya,†ay kung saan at kung papaano nakuha ni “Joaquin†ang mga larawan na naka-store sa kanyang email address na nakatakda sanang ipasa sa Playboy Asia Magazine.
Dahil sa matinding panghaharas ng suspek sa biktima, umabot sa punto na halos masiraan na ng bait si “Ayaâ€!
Habang ang suspek naman masayang-masaya pa sa kanyang kagunggungan at planong pamba-blackmail sa pobreng modelo.
Abangan kung paano nahulog ang mailap at tusong suspek sa lambat ng National Bureau of Investigation-Cyber Crime Division at BITAG!
Panoorin ang buong detalye mamaya sa BITAG sa People’s Television Network (PTV4), alas 9:15 hanggang 10:00 ng gabi.
- Latest