Babaing tinedyer, 10 araw sa kamay ng kidnaper-rapist
HINDI malilimutan ni Elizabeth Shoaf ang araw na iyon – September 6, 2006. Nang araw na iyon siya kinidnap ni Vinson Filyaw. Labing-apat na taong gulang siya noon.
Ayon kay Elizabeth, bumaba siya sa school bus at naglakad nang bigla siyang kidnapin ni Filyaw. Dinala siya sa isang kakahuyan at ikinulong sa 15-foot bunker na malapit sa trailer home nito.
Ginahasa siya ni Filyaw nang maraming beses araw-araw. Kapag tumatanggi si Elizabeth, sinasabi ni Filyaw na lalagyan siya ng bomba sa leeg. Ganundin ang sinasabi nito kapag daw nagtangka itong tumakas.
Sa kabila nang masaklap na pangyayari, naging positibo si Elizabeth at kinausap si Filyaw. Tinanong niya kung ano ang mga gusto nito sa buhay. Hanggang sa makuha niya ang loob ng kidnaper. Unti-unti itong nagtiwala kay Elizabeth.
Sampung araw ang makalipas, ipinahiram ni Filyaw ang kanyang cell phone kay Elizabeth para maglaro ng games.
Sinamantala ni Elizabeth ang pagkakataon at tinawagan ang kanyang ina. Agad namang kinontak ng ina ang mga pulis.
Agad natunton ng mga pulis ang kinaroroonan ng bunker na kinaroroonan ni Elizabeth.
Hindi naman nagpahalata si Elizabeth bagkus sinabihan pa si Filyaw na tumakbo bago abutan ng mga pulis. Ginawa naman iyon ni Filyaw. Dala ni Filyaw ang taser, pellet gun at patalim. Nang makalayo si Filyaw, nagsisigaw si Elizabeth at nakita siya ng mga pulis. Sinabi niya ang lugar na tinakbuhan ni Filyaw. Naaresto ito.
Noong Set. 19, 2007, nahatulan ng 421 taong pagkabilanggo si Filyaw. Hinangaan si Elizabeth Shoaf sa kanyang ipinakitang katapangan at katalinuhan para makaligtas sa kidnaper-rapist.
- Latest