^

Punto Mo

Sec. Roxas, paimbestigahan mo ang pagdukot kay Alcover

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DAPAT paimbestigahan ni DILG Sec. Mar Roxas ang pagdukot ng apat na armadong kalalakihan sa ex-cop na si Jess Alcover alyas Jess Botangol sa Cavite. Malalim ang kaso ni Alcover na kung pababayaan ni Roxas ay maaring magaya sa kaso ng aktibistang si Jonas Burgos. Taon na ang nakalipas at wala pang linaw ang kaso ni Burgos. Si Alcover ay nasa pergalan ng isang alyas Egay sa Kawit, Cavite nang kalawitin ng mga suspect, ayon sa mga kosa ko. Huling nakita si Alcover na kumakawag at humihingi ng saklolo nang dumaan sa toll gate ng SLEX ang mga suspect. Narekober ang kotse niya sa Libis, Quezon City subalit wala na si Alcover. Nangangamba sa ngayon ang pamilya ni Alcover at nanawagan sila sa kung sinuman na dumukot dito na ilabas na siya. Dapat mabilisan ang pagkilos ni Roxas dahil si Alcover lang ang kumikita para mabuhay ang kanyang pamilya. Get’s n’yo mga kosa?

Ang maaring masabing dahilan sa pagdukot kay Alcover ay ang pagiging tong collector niya para kay Chief Insp. Magdaluyo, ang hepe ng CIDG sa Cavite. Kahit may “no take, no contact” policy si CIDG director Chief Supt. Frank Uyami ay tuloy ang pag-iikot ni Alcover sa mga pasugalan sa Cavite. Kinukolekta niya hindi lang ang opisina ni Magdaluyo kundi maging ang GAB, OIS ng DILG at iba pang CIDG units sa Camp Crame. Sa ganitong sistema ni Alcover, naiwang tulala ang isa pang tong collector na si Rico Posadas na nakasandal naman kay Jojie Lizarda, ang godfather ng pasugalan sa Calabarzon area. Si Magdaluyo ay na-relieve na sa puwesto sa utos ni Uyami subalit nakabalik dahil sa pakikialam ni Ayong Maliksi, anang mga kosa ko sa Cavite. Kahit may tampo si Uyami kay Magdaluyo, di ko ibig sabihin na may kinalaman ang CIDG sa pagdukot kay Alcover ha mga kosa? Marami naman sa mga kausap ko ang nagsabing naset-up si Alcover dahil hindi sumipot si Egay sa puwesto niya nang dukutin ito. Ang tanong sa ngayon ng mga kosa ko bakit hindi si Lizarda ng Bgy. Cuyab sa San Pedro, Laguna at ang bata n’ya na si Francisco Mojado ng Rosario, Batangas ang dinukot eh kinokolekta rin nila ang units ng CIDG sa Camp Crame? He-he-he! May hangganan din ang buwenas ni Lizarda at mga alagad niya!

Para sa kaalaman ni Roxas, sinalakay din ng SRU ng CIDG noong Hulyo 2 ang isang gambling joint sa Bacoor at naaresto sina Rusty Pasamante, Winston Araquel, Grace Serbanez, Ronald Dimaano at Ruel Ronquillo dahil sa palarong ending sa larong basketball. Nakumpiska ng team na pinamumunuan ni Chief Insp. Haroun Pagador ang P70,000 na kubransa ng tropa. Nagka­aregluhan din mga kosa mula sa P50,000 hanggang sa tumaas ito sa P70,000. Ang masakit pa rito, kinasuhan pa ang mga inaresto at tuloy nadoblado ang kita ng tropa ng SRU at may accomplishment pa sila. Ganito ang sistema na pinaiiral sa ngayon ng SRU Sec. Roxas, para paglalangan ang “no take, no contact” policy ni Uyami. Ewan ko lang kung nalalaman ito ni Tsunami... este Uyami pala? Ang problema lang, naging bakla itong CIDG sa mga kausap nila. Abangan!

ALCOVER

AYONG MALIKSI

CAMP CRAME

CAVITE

CHIEF INSP

MAGDALUYO

ROXAS

UYAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with