^

Punto Mo

Babaing musician, pinakasalan ang isang tulay sa France

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

HINDI lalaki ang pinakasalan ng musician na si Jodi Rose kundi isang matandang tulay sa France – ang Le Pont du Diable Bridge.

Sa dami ng mga tulay na nakita at nabisita ni Rose ang Le Pont du Diable Bridge ang lubos na nakaakit sa kanya. Naglalakbay sa buong mundo si Rose para bisitahin ang mga tulay at pakinggan ang mga vibrations nito. Kailangan ito para sa kanyang musical projects. At sa lahat ng tulay ang Le Pont du Diable Bridge nga ang may pinaka-malapit sa kanyang puso.
“He makes me feel connected to the earth and draws me to rest from my endless nomadic wanderings,” sabi ni Rose. “He is fixed, stable, rooted to the ground, while I am nomadic, transient, ever on the road.”

Bagama’t hindi niri-recognized ng France ang pagpapa-kasal sa tulay, inaprubahan naman ito ng local mayor. “Ang aming kasal ay ini-arranged sa tulong ng mga kaibigan sa Barcelona, ng community at mga artist sa Arles-sur-Tech & Ceret. Binigyan kami ng blessing at suporta,” sinulat ni Rose sa kanyang blog.

Ang tulay na pinakasalan ni Rose ay ginawa noong 1321 at 1341. May taas itong 60 feet. (unexplained-mysteries.com)

 

Ngipin ng tao, maaring palitan ng tuka ng ibon

 

Isang biologist sa Sheffield University ang nagsabi na maaaring palitan ng tuka (beak) ang ngipin ng tao. Pero ito raw ay mangyayari sa susunod na mil­yong taon.

Ayon kay Dr. Gareth Fraser, i-a-upgrade daw ang ngipin hanggang sa maging tuka ito. Hindi raw katulad ng ngipin na napuputol, nabubulok at nabubungi, ang tuka raw ay mas matibay.

Ang prediction ni Dr. Fraser ay ibinatay niya sa kanyang research na bakit ang tao ay may dalawang set lamang ng ngipin samantalang ang mga hayop, gaya ng pating ay marami. “Posible na ang tao ay magkaroon ng tuka, tulad ng pufferfish, mas matibay ito kaysa ngipin,” sabi ng doctor.

Patuloy pang nag-aaral at nag-eeksperimento si Dr. Fraser para makapag-regrowth ng ngipin. Hindi niya inaalis ang posibilidad na sa hinaharap ang tao ay magkakaroon ng tuka. (unexplained-mysteries.com)

vuukle comment

AYON

BAGAMA

BINIGYAN

DIABLE BRIDGE

DR. FRASER

DR. GARETH FRASER

LE PONT

NGIPIN

SHEFFIELD UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with