Napaka-boring ng unang linggo ni Erap, puro photo-ops
NAGBANTA si Manila Mayor Erap Estrada na “the days of kotong cops are numbered†subalit wala naman siyang ginawa sa unang linggo ng panunungkulan niya. May sinibak nga siya na tatlong police officials, pero kung uusisaing mabuti, hindi naman sila matatawag na kotong cops kundi malapit lang kay dating Mayor Alfredo Lim. Napaka-boring din ng unang linggo ni Erap dahil puro photo-ops na hindi naman makakatulong sa kumukulong sikmura ng mga mahihirap na nagluklok sa kanya sa puwesto. Hamakin n’yo, ang unang flag ceremony ni Erap noong Lunes ay ginawa ng lampas alas nuwebe ng umaga imbes na alas siyete. At dapat, bigyan din ni Erap ng solution ang naglilipanang tricycle sa kanto ng Buenos Aires at Altura Sts. sa Sta. Mesa na halos ilang dipa lang ang layo sa bahay niya. Hindi halos makadaan ang motorista at pedestrian dahil inukopa na ng mga tricycle ang bangketa ng kalsada. Puwede namang i-photo-ops ito, di ba mga kosa? He-he-he! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
May balak pala si Erap na tigpasin ang halos mahigit 50 porsiyento ng kapulisan sa Maynila. Kung ganoon, unahin niya sina Insp. Arnold Sandoval, PO3 Mike Pornillos at SPO4 Gener “Paknoy†Presnedi. Nasa tamang landas si Erap sa kampanya laban sa kotong cops kapag naitapon niya sa Mindanao sina Sandoval, Pornillos at Presnedi.
Idagdag pa ring dapat itapon “outside Metro Manila†ang tong collectors ng mga station at units ng MPD na sa tingin ko ay nangangatog na sa ngayon ang mga “tumbong.†Sa Station 1 ang tong collector ay si Dondon Juanio at ang sa Don Bosco PCP ay si Francis Manlutac, sa Gagalangin si Sandoval, si Ogie Dalisay sa Pritil, at Sonny Hardin sa SMI. Sa Station 2 naman ay si Clyde Villareal, sa Delpan PCP si Jerry Garcia, at Asuncion si de la Peña; sa Station 3 si Ruel Robles at sa Alvarez si Tolentino, Blumentritt si Juanio at Plaza Miranda si Ric Reyes; sa Station 4 si Ruel Robles pati na sa SIBAMA, RM at Blumentritt Ext., si Hidalgo sa Gulod at de la Peña sa University Belt; si Boyet Blanco ang sa Station 5, Paco at Pedro Gil at Corpuz sa Luneta at Yangkee Chavez sa Paz; sina Bernardino, Buejades at Venturina ang sa Station 6 at Villanueva sa Punta at Dagonoy; si Gaddie sa Station 7 at Von Cruz sa Hermosa at Tayuman; sa Station 8 si Carding at Zhornack sa Baltao, at si Alvin Tatco sa Plaza Avelino at Palanca; sa Station 9 at Grand outpost, Arellano at Quirino PCP si Duran; sa Station 10 at Beata, Peñafrancia at Laborez ay si Sonny Hardin at sa Station 11 ay si Boboy Alquires at Baste sa San Nicolas, Angel sa Juan Luna at Onle sa Gandara. Sa headquarters ng MPD ang tong collector ay itong sina Fernan, Andoy at Presnedi o Paknoy sa DPIOU sina Dante Ching at Soque sa Task Force Galugad sina Owen, Gerry G. at Noel de Castro.
Kahit ilang beses magpalit ng uniporme ang PNP, ang mga nabanggit ko sa itaas ay mananatili pa ring mga tong collector at hindi sila nakakatulong para mabago ang imahe ang kapulisan Kaya hintayin natin na ikumpas ni Erap ang kamay na bakal laban sa kotong cops at t’yak aprub kaagad ito kay PNP chief Dir. Gen. Alan Purisima para kahit paano ay maiahon ang imahe ng PNP. Kung magagawa ni Erap ito sa Maynila, bakit hindi sa iba pang bahagi ng Metro Manila at buong bansa?
Abangan!
- Latest




















