^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailan matututo?

Pang-masa

APAT na ang Pinoy na nae-execute sa China dahil sa illegal na droga. At maaaring madagdagan pa dahil 28 pa ang kasalukuyang nasa death row. Ayon sa report, maaaring sa isang taon ay mayroon na namang bibitayin. Noong Miyerkules ng umaga, binitay ang isang Pinay dahil sa pagpapasok ng anim na kilo ng heroine. Nahuli ang Pinay at ang pinsan nitong lalaki noong Enero 2011. Ang pinsang lalaki ay nahatulan din ng kamatayan pero ipinagpaliban ng isang taon ang paggawad. Ayon sa report, noong 2007 pa pabalik-balik ang Pinay sa China. Sa ika-18 beses siya natiklo. Ni-recruit umano ang Pinay ng isang Nigerian drug syndicate. Kumikita ng $3,000 hanggang $4,000 ang Pinay bawat biyahe.

Ang mga unang nabitay ay sina Ramon Credo, Sally Ordinario-Villanueva at Elizabeth Batain. Binitay sila noong Marso 30, 2011. Umapela rin ang gobyerno ng Pilipinas sa China para pigilin ang pagbitay pero hindi pinakinggan. Kahit ano pang gawin ng Pilipinas na pag-apela, walang mangyayari. Mabigat na kasalanan ang illegal drug trade.

Sa kabila na mayroon nang mga nabitay, may mga Pinoy pa rin na hindi natututo at patuloy na nagpapa-recruit sa sindikato  ng droga. Pinangangakuan nang malaking halaga ang mga nire-recruit para maging “drug mule”. May “drug mules” na nilulunok ang droga para lamang maipasok. Kamakailan, isang Nigerian na pumasok ng bansa ang lumunok ng droga na nasa capsule pero na-detect ng mga alertong Immigration agents sa NAIA kaya natiklo.

Matuto na sana sa nangyaring pagbitay sa Pinay. Huwag magpagamit sa mga sindikato. Gawin naman ng gobyerno ang lahat nang paraan para mahuli ang mga nagre-recruit sa mga Pinoy para maging drug mule. Kapag nadakma, bulukin sila sa bilangguan.

 

AYON

BINITAY

ELIZABETH BATAIN

NOONG MIYERKULES

PILIPINAS

PINAY

PINOY

RAMON CREDO

SALLY ORDINARIO-VILLANUEVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with