^

Punto Mo

Malabong paningin: Nearsighted kaya?

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

NAPANSIN n’yo ba na parang lumalabo ang mga bagay na malalayo sa iyong paningin pero malinaw naman kapag tiningnan ito nang mas malapit? Dati ba’y nababasa n’yo ang mga letrang maliliit pero ngayon ay dikit-dikit na?

Kung oo ang mga sagot n’yo diyan, nagsimula nang lumabo ang inyong paningin. Near­sightedness ang tawag sa kon­disyong ito. Medically, tinatawag itong myopia (kung bigkasin ay ma-yo-pya).

Sa mga batang estudyante, heto ang karaniwang sintoma ng pagiging nearsighted na mapapansin sa kanila: Nagbabasa ng libro nang malapit sa mata, malapit na kumokopya sa blackboard, nanunood nang malapitan sa TV o sine, laging papikit-pikit ang mata (squinting), at waring hindi alintana ang mga bagay na malayu-layo sa kanya. Tinatayang 30% ng ating populasyon ang may myopia.

Paano nangyayari ito?

Sa normal na paningin, ang pumapasok na light rays ay naka­pokus sa tinatawag nating “retina.” Sakto dapat sa mismong retina ang light rays, hindi sa harap o sa likod nito. Pero sa kaso ng myopia, ang point of focus ay nasa “harap ng retina.” Dahil dito, ang malalayong bagay ay nagmimistulang malabo.  ’Yung bagay na malalapit lamang ang nakikitang malinaw. Kaya tinawag na “nearsighted” ang mga taong myopic.

Nag-iiba-iba rin ang degree ng pagiging nearsighted. May mild lamang, may grabe. ‘Yung mild lamang ang pagiging nearsighted, malinaw pa ring nakakakita ng mga bagay kahit ilang yarda ang layo nito. Pero kung grabe ang pagiging nearsighted, ang malinaw lamang niyang nakikita ay ang mga bagay na ilang pulgada lamang ang layo sa mata.

Sinasabing posibleng pahaba ang hugis ng eyeball ng mga taong nearsighted. Alam naman nating bilog ang normal na hugis ng eyeball. Kung naging pahaba ang eyeball, hindi umaabot sa dakong retina ng mata ang light rays. Tumatama lamang ito sa harap ng retina.

Madalas na natutuklasan ang pagiging nearsighted sa mga bata, mula sa batang nasa school age hanggang sa mga tinedyer. Sina­sabing nasa lahi ito. Parehong naaapektuhan ang lalaki’t babae. Ang pagbabago sa paningin ay puwedeng bigla o dahan-dahan lang at posibleng lumala kung di aagapan.

Madaling maisaayos ang kondisyong ito. Susuriin ng isang ophthalmologist o optometrist ang mata upang matiyak kung gaano katindi ang myopia at kung gaano ang “grado” ng mata. Depende sa resulta, susukatan ng salamin ang taong nearsighted.

Belated happy birthday sa aking pamangkin na si Tricia Nicole Gatmaitan Alimato (June 29) at advance happy birthday naman kay John Patrick Gatmaitan Alimato (July 23). Sila ay parehong high school students sa Wesleyan University Philippines sa Cabanatuan City.

 

CABANATUAN CITY

JOHN PATRICK GATMAITAN ALIMATO

KUNG

NEARSIGHTED

PERO

TRICIA NICOLE GATMAITAN ALIMATO

WESLEYAN UNIVERSITY PHILIPPINES

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with