^

Punto Mo

EDITORYAL - Hamon sa bagong NIA administrator

Pang-masa

WALANG pagbabago sa napakayaman at ma­lawak na lupain ng Pilipinas. Maraming bu­kirin ang nananatiling umaasa sa tubig-ulan. Kapag nagdamot ang ulan, walang mapapakinabang ang mga kawawang magsasaka. Matutuyo ang kanilang tanim na palay. Sayang ang kanilang pagod, pera at panahon sa paghahanda sa lupa. Natuyo lamang dahil sa kawalan ng tubig.

Maaari namang magkaroon ng tubig ang malawak na lupain o mga bukirin sa bansa. Kung malawak at mayaman ang lupa, ganundin kalawak at karami ang tubig na maaaring makuha at itustos sa mga pananim. Kung ang lahat nang bukirin ay matatamnan ng palay, hindi na aangkat ng bigas ang bansa. Pero nakadi­dismaya ang nangyayari ngayon sapagkat umaasa ang bansa sa inaangkat na bigas sa Vietnam at Thailand. Nakakahiya na agrikulturang bansa ang Pilipinas pero umaasa sa bigas ng ibang bansa. Hindi nagkatotoo ang sinabi ng Department of Agriculture na hindi na raw aangkat ngayong taon ng bigas ang bansa. Patuloy pa rin sa pag-angkat sapagkat kulang na kulang ang inaani sa mga bukirin. Natutuyo ang mga pinitak sapagkat walang sapat na suplay ng tubig­. Sisihin ang National Irrigation Administration sa mahinang ani ng bansa.

Hindi masisisi si President Noynoy Aquino kung sermunan ang NIA administrator na si Antonio Nangel. Walang ginawa si Nangel sa panahong siya ang namumuno sa NIA at ito ay labis na ikinairita ng Presidente. Hindi na napigilan ang pagkainis kaya nang magdiwang ng ika-50 anibersaryo noong nakaraang linggo, isinambulat ang matagal nang kinikimkim. Ayon sa Presidente, hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang irrigation project sa kanyang home province na inumpisahan pa noong siya ay kongresista. Dahil sa nangyari, walang napapakinabang ang mga magsasaka dahil umaasa lamang sila sa ulan. Natutuyo ang mga palay at walang maani.

Ilang araw, makaraan ang panenermon kay Nangel­, nag-anunsiyo ang Malacañang na mayroon na itong kapalit --- si Claro Maranan na dating general manager­ ng Philippine Port Authority. Isang engineer si Maranan.

Malaking hamon kay Maranan ang pamumuno sa NIA. Ipakita niya na karapat-dapat siya sa puwesto. Magsagawa siya ng mga pagbabago. Nararapat magkaroon ng tubig ang malawak at mayamang lupain ng bansa para magkaroon nang masaganang ani. Dito uunlad ang bansa at wala nang magugutom na Pilipino.

ANTONIO NANGEL

BANSA

CLARO MARANAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

MARANAN

NANGEL

NATIONAL IRRIGATION ADMINISTRATION

NATUTUYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with