Octopus, natagpuan sa tuktok ng bundok!
HINDI makapaniwala ang isang grupo ng mountain climbers sa England sa kanilang nakita sa tuktok ng Scafell Pike sa bayan ng Cumbria. Isang octopus (cephalopod mollusk) na may sukat na 8 inches ang kanilang nakita! Paano nagkaroon ng octopus sa napakataas na bundok?
Ang Scafell Pike ang pinakamataas na bundok sa England kaya paborito ito ng mountain climbers. Kapag narating ang tuktok nito, nakadarama ng accomplishment ang climbers. Mula sa tuktok ng bundok makikita ang magandang tanawin sa paligid. Matatanaw lahat ang mga lugar ng England kapag nasa tuktok.
Pero para sa leader ng mountain climber na si Dave Ascough, 43 sobrang accomplishment pa ang kanilang nadama nang makita ang katawan ng octopus na nasa 33 meters mula sa tuktok ng bundok.
“Ang unang reaksyon namin ay may taong nagdala ng octopus sa bundok. Naisip din namin na baka isang ibon ang nagdala sa tuktok. Posible rin kayang makaakyat ang octopus sa bundok.â€
Pero nagdududa pa rin sila. Kung tao ang nagdala ng octopus, bakit nila iniwan doon. Mahirap magdala ng octopus tapos ay iiwan lang doon.
Hanggang ngayon, palaisipan pa rin ang octopus sa tuktok ng bundok.
- Latest