Balasahan sa kapulisan, inaasahan!
Kasabay nang panunungkulan ng mga nagwaging mga local government officials, inaasahan naman ang palitan sa liderato sa pulisya sa kanilang mga nasasakupan.
Nagsimula na nga ang ilang pagpapalit o paggalaw sa mga posisyon sa Manila Police District (MPD).
Ito ay kasabay sa pag-upo ng bagong Manila Mayor Joseph Estrada.
Agad-agad ding hinirang na bagong MPD director si Chief Supt. Isagani Genabe Jr. na dating Camp Commander ng Camp Crame at director ng Headquarters Support Service.
Siyempre pa, may paggalaw sa pinakapuno, susunod dito at malamang na magalaw din ang mga sanga. Mukhang aabot pa nga ito hanggang sa mga station commander.
Natural lang naman ang ganitong mga paggalaw lalo sa mga lokal, puwera na lang kung ’yung mga dati pa ring opisyal sa mga lokal na pamahalaan ang nakaupo o nagwagi, pwedeng manatili sa kanilang pwesto ang mga opisyal doon ng pulisya.
Pero kung magbabago, siguradong may pagbabago rin sa mga mamumunong opisyal ng pulisya.
Kukuha at magpapalit siyempre ang mga nanalong mayor at gobernador ng kanilang pinagkakatiwalaan. Maliban na rin lang kung ang bagong upo ay tiwala sa dating nanungkulan.
Malamang sa mga daraÂting pang araw, magkakaroon ng maraming pagbabago sa puwesto o posisyon ng mga pulis sa iba’t ibang lungsod o lugar lalo sa Metro Manila at karatig-lalawigan na mukhang marami sa mga datihang local officials ang hindi nagtagumpay.
- Latest