^

Punto Mo

Rags-to-Riches Stories

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Leonardo Vecchio, ang Bilyonaryong Putol

 

Si Leonardo del Vecchio  ay anak ng mag-asawang mahirap mula sa Milan, Italy. Noong 5 buwan pa lang siya ay biglang namatay ang kanyang ama kaya’t nagpasya ang kanyang ina na dalhin siya sa bahay ampunan.

Lumaki siya sa ampunan na walang nagkagustong umampon sa kanya. Kaya nang inaakala niyang may matibay na siyang prinsipyo upang mabuhay mag-isa, naisipan niyang lisanin ang kinalakihang bahay ampunan. Napapunta siya sa Belluno,  isang bayan sa Veneto, Italy. Ito ang bayang  maraming pagawaan ng salamin sa mata. Naging factory worker siya na gumagawa ng eyeglass frames. Minsan ay naaksidente siya at naputulan ng hintuturo. Sa edad na 23, nagtayo siya ng molding shop kung saan gumagawa sila ng eyeglass frames.

Ang maliit na eyeglass frame shop ay lumaki hanggang naging Luxottica Company na itinuturing ngayon na “world’s largest maker of sunglasses and prescription eyeware.”  Ang Luxottica ang gumagawa ng Ray-Ban at Oakley. Ngayon ay mayroon silang 6,000 retail shops kagaya ng Sunglass Hut at LensCrafters.

Ayon sa Forbes magazine, siya ang ikalawang pinakama-yaman sa Italy (sumunod kay Michele Ferrero) na may net worth na 11 US billion dollars. Siya ang 71st sa listahan ng mga mayayaman sa buong mundo, as of March 2011.

(Itutuloy)

ANG LUXOTTICA

AYON

BILYONARYONG PUTOL

LEONARDO VECCHIO

LUXOTTICA COMPANY

MICHELE FERRERO

SI LEONARDO

SIYA

SUNGLASS HUT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with