^

Punto Mo

‘Raffle scam’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

HINDI pa rin tuluyang nalalaos ng social media scams sa internet ang text scam modus!

Marami pa rin kasi ang mga nabibiktima ng raffle scam sa pamamagitan ng text messages sa kabila ng pag-unlad ng teknolohiya at komunikasyon sa cyber world.

Isa ito sa mga bulok ng modus operandi ng mga sindikato. Pero patuloy pa rin nilang namamaniubra dahil mayroon pa rin silang nakukumbinsing kumagat sa kanilang mga estilo!

 Gamit ang telepono, malaya nilang naipapakalat sa kanilang target victims ang iskripted na congratulatory message na nanalo umano sila nang malaking halaga ng pera.

Kung aanalisahin ang kanilang modus, random o pa-tsamba ang pagsi-send ng mensahe sa libu-libong mga numero. Kung sino ang kumagat sa pain, tiyak hulog sa BITAG ng kanilang panloloko!

Ganito ang sumbong na inilapit sa BITAG ng probinsyanang si Jelyn. Nakumbinsi siyang nanalo umano sa isang raffle na hindi niya kailanman sinalihan. Ayon sa text message, nanalo ang kanyang cell phone number ng P850,000 sa pa-raffle ng isang foundation na naka-base sa Metro Manila.

Lalong naging matibay umano ang paniniwala ni Jelyn sa boladas ng nagpakilalang “Atty. Dave Roxas” nang sinabi nitong pag-aari ng mag-asawang senador ang foundation.

Dahil kapos sa kaalaman sa ganitong hokus-pokus, ang target victim, nagoyong magbigay ng pera sa bogus na abogado para umano maiproseso agad ang kanyang napanalunan!

Gasgas na ang modus na ito. Target ng sindikato ang mga residente sa probinsya na hindi naaabot ng babala ng mga awtoridad. All Points Bulletin ng BITAG sa publiko, maging mausisa at paladuda sa mga mensaheng inyong natatanggap.

Kung ito ay nagsasabing nanalo kayo sa isang raffle o anumang katulad na promo, mabuting humingi muna ng opinyon sa mga kakilala at manaliksik sa integridad ng kumpanya o pagkakakilanlan ng “nagmamagandang-loob” na organisasyon.

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5.  Pinoy US Cops – Ride Along, Sabado 8:30 – 9:00 at BITAG, 9:15 -10 ng gabi sa PTV4.

• • • • • •

Para sa inyong mga sumbong at tips mag-text sa 09192141624 o mag-email sa bahala [email protected]. Maa-ari rin kayong magsadya sa BITAG Headquarters sa #299 Syjuco Bldg. Kalaw Hills, Tandang Sora, Quezon City tuwing Miyerkules, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

ALL POINTS BULLETIN

BITAG LIVE

DAVE ROXAS

JELYN

KALAW HILLS

METRO MANILA

QUEZON CITY

RIDE ALONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with