Ikaw, sino ang gusto mong matira?
FATHER’S Day na Father’s Day ay magkagalit ang mag-amang Atoy at Gina. Isang taon na ang nakakaraan nang pumanaw ang nanay ni Gina. Nag-ugat ang malalim na tampuhan noong apat na buwan pa lang nabibiyudo si Mang Atoy. Kahit may sariling bahay sa Cavite ang parents ni Gina, pansamantala muna niyang pinatira ang ama sa kanyang bahay sa Makati habang nag-a-adjust ito sa pagkawala ng kanyang ina. Bagama’t nakikita ni Gina ang kalungkutan sa ama, napapansin niyang inuumaga lagi ang ama sa paglalakwatsa. Hindi naman ito naglihim na nagpupunta siya sa bar para uminom at maglibang. Seventy years old na ang kanyang ama pero maporma pa rin. Ang tingin niya ay ini-enjoy ng ama ang bagong status nito: Binata-binataan.
Wala sanang problema kay Gina ang pagimik-gimik ng ama pero nang may isinumbong sa kanya ang disinueve anyos na katulong, doon na gumulo ang kanilang relasyon. Aba’t mahilig pala sa “daisy†(daisy-nueve, daisy-siyete, daisy-otso, etc.) ang kanyang ama. Noong una raw ay nagpapalipad hangin si Mang Atoy sa katulong pero nang lumaon ay pinasok na siya sa kuwarto nang minsan sila lang ang naiwan sa bahay. Noon nagpasya ang katulong na magsumbong sabay paalam na uuwi na ito sa Bacolod.
Nataranta si Gina, hindi dahil na-realize niyang may lahing rapist ang kanyang ama kundi gusto siyang layasan ng kanyang katulong. Kinse anyos pa lang ay namamasukan na sa kanya ang katulong. Subok na niya na sobrang mapagkakatiwalaan at maaasahan ito sa lahat ng bagay. Hindi siya puwedeng mabuhay na walang “mapagkakatiwalaang†katulong. May dalawa siyang canteen na pinamamahalaan. Canteen concessionaire siya ng dalawang private schools. Sino ang mag-aasikaso sa bahay at sa kanyang dalawang anak na kapwa nasa elementary pa lang? Wahhh… hindi puwedeng mawala ang kanyang katulong! PiniÂgilan niya ang pag-alis ng kaÂtulong at nangakong pauuwiin na niya ang ama sa Cavite. KinaÂusap niya ng masinsinan ang ama. Ipinaunawa niya sa ama na kung mawawalan siya ng katulong, mapeperwisyo pati ang kanyang negosyo. Hindi nagdalawang salita si Gina. Umalis kaagad ang matanda pero malaki ang tampo sa kanya. June 16 nang umalis ang ama, natapat sa Father’s Day. Kuwento ni Gina, bigla daw niyang naÂalaala ang sinabi ko sa kanya noong araw: “Kung papipiliin ako kung sino ang dapat maÂunang kunin ni Lord, nanay o tatay, ang gusto kong matira sa piling ko ay ang aking ina. Kadalasan kasi, nagiging problema ang mga ama kapag nabiyudo —hindi nakakatagal na walang babae sa kanilang buhayâ€.
- Latest