^

Punto Mo

Lampong (328)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

ISANG araw, niyaya ni Jinky si Dick.

‘‘Saan tayo pupunta?’’

‘‘Sa bayan, may ipakikilala ako sa’yo Dick.’’

“Sino?’’

“Mamaya mo na malalaman.’’

‘‘Sinasabik mo pa ako ah. Sino nga?’’

‘‘Yung anak ko. Si Michelle.’’

‘‘Opo nga pala, nasaan ang anak mong yun?’’

‘‘Nasa Socorro kasama ng aking nanay.’’

“Ang laki na siguro niya, ano Jinky.’’

‘‘Ten years old na siya. Grade Four na.’’

“Siguro maganda rin ano, mana sa ina.’’

‘‘Maganda rin.’’

‘‘Hinahanap ba niya ang kanyang ama.’’

Napaismid si Jinky.

‘‘Kahit kailan hindi niya hinanap ang kanyang amang walanghiya. At sana habampanahon na. Maligaya na ako sa ganitong sitwasyon.’’

Napatango na lang si Dick. Naunawaan niya si Jinky. Iginagalang niya ang pasya nito.

Nakarating sila sa Socorro. Nagpahatid sila sa isang traysikel drayber. Tumigil sila sa isang malaking bahay. May mga namumulaklak na halaman sa gate. Maganda ang bahay at sa tingin ni Dick ay bagong gawa ito.

“Ito ang bahay ng nanay mo?’’

“Oo.’’

“Ang laki!’’

“Ipina-remodel ko lang yan.’’

Pumasok sila sa bahay.

Sumalubong kay Jinky ang isang batang babae. Malambing na humalik kay Jinky.

“Michelle, siya si Tito Dick mo. Mag-bless ka ?’’

Nag-bless si Michelle.

Hinalikan naman ni Dick sa pisngi si Michelle.

(Itutuloy)

DICK

GRADE FOUR

JINKY

MAGANDA

MICHELLE

NASA SOCORRO

SI MICHELLE

SINO

TITO DICK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with