^

Punto Mo

Single father

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

KAHAPON ay ipinagdiwang ang Father’s Day. Sana ay nakapiling ninyo ang inyong mga tatay at naipadama sa kanila ang inyong pagmamahal at pasasalamat sa lahat ng kanilang pagsasakripisyo sa inyong pamilya.

Nag-text sa akin si Mang Dante upang ipaalam ang kanyang dilemma. Siya ay isang single father. Ayon sa kanya, tatlong taon na mula nang lisanin siya ng kanyang misis para sa ibang lalaki. Mahirap lamang daw kasi sila at hindi maibigay ang uri ng buhay na inaasam ng asawa. Iniwan nito sa kanya ang nag-iisang anak na babae, si Sabina. Malungkot ang kanyang Father’s Day dahil sa isang insidente kung saan tinanong ng kalaro ni Sabina ang bata ng “Sinong Mama mo?” Nalungkot daw siya nang maulinigan ito mula sa walang malisyang pag-uusap ng dalawang bata. At ang anak naman niyang tatlong gulang, na walang kamuwang-muwang ay sumagot na “si Tita Dette,” ang kapatid ni Mang Dante na tita at nanay-nanayan ni Sabina. Sabi ni Mang Dante sa text: “Nalungkot ako bigla dahil nagmukhang kawawa ang anak ko dahil lumalaki siyang walang Ina. Hindi ko pa kasi nasasabi kay Sabina ang tunay na estado ng pamilya namin kung bakit wala siyang nakikitang ina sa aming tahanan. Bata pa kasi siya, hindi niya maiintindihan. Pero ano ang isasagot ko kung si Sabina na mismo ang magtanong sa akin ng “Tay, sinong nanay ko?” Payuhan mo naman ako dahil single parent ka rin di ba?”

Mang Dante, ramdam ko ang iyong lungkot. Masakit na ibinibigay na ang lahat nang pagmamahal sa ating mga anak pero naghahanap pa rin sila. Ngunit ito ang katotohanan. Talagang darating ang panahon na hahanapin nila ang isa pa nilang magulang upang mabuo ang kanilang pagkatao. Hindi makakatulong ang pagtatago ng katotohanan sa kanila. Karapatan nilang malaman kung sino at kung bakit hindi nila kapiling ang kanilang nanay o tatay. Siguro ay tamang panahon lamang at timing ang kailangan upang masabi ang bagay na ito sa mga bata.

Sa tingin ko ay mauuna niyang itanong ang “sino”, at maaari ninyong sabihin kung ano ang

 pangalan etc. Bago pa man niya itanong ang “bakit”? Bakit wala siya? Bakit di ko siya nakikita? Marahil ang safe na sagot na maiintindihan ng murang isipan ay ang naghiwalay kayo dahil hindi nagkakaintindihan. At kapag malawak na ang pangunawa ng bata, maaari na sigurong sabihin sa kanila ang mas detalyadong dahilan ng inyong paghihiwalay. Huwag kang mag-alala, Mang Dante na baka iwan ka ng iyong anak para sa kanyang ina. Kung hanapin niya ang ina at gustuhing makasama ito, karapatan niya at kailangan niyang gawin upang mabuo ang kanyang pagkatao at masagot ang mga katanu-ngan niya. Kung mamahalin mo naman ng buong-buo ang iyong anak, wala kang dapat ikatakot na may pagkukulang siya kaya naghahanap, maghahanap o haha­napin ang ina nito. 

Happy Father’s Day!

vuukle comment

ANAK

BAKIT

HAPPY FATHER

KUNG

MANG DANTE

NALUNGKOT

SINONG MAMA

SIYA

TITA DETTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with