Lampong (326)
MAKALIPAS ang isang linggo ay nakalabas na ng ospital si Dick alyas Tanggol. Sinundo sila nina Mulong at Tina. Isang sasakyan na inarÂkila ni Jinky ang minaneho ni Mulong.
“Magaling na magaling ka na Tanggol, este Dick pala, ha-ha-ha!â€
“Oo. Magaling na maga-ling na. Siguro pagkalipas ng isang buwan e puwede na akong magpraktis ng arnis.â€
“Sige, akong bahala sa iyo. Pero kailangan e dahan-dahan lang ang pag-eensayo at baka makasama sa sugat mo sa tagiliran.’’
“Siyanga pala, Mulong saan nga pala nilibing si Raul? At nakita mo ba ang asawa niya?â€
“Oo. Nakita ko. Nilibing siya sa public cemetery.’’
“Gusto kong makita ang asawa at anak niya. Di ba iyon ang hiniling sa akin ni Raul noong nag-aagaw buhay siya, puntahan ko raw ang asawa niya at sabihin ang mga pangyayari.â€
“Nakakaawa ang buhay ng mag-ina ni Raul, Dick. Masyadong mahirap ang buhay nila.’’
“Kawawa naman pala talaga!â€
Nagsalita si Jinky. “Bigyan natin ng trabaho ang asawa ni Raul. Pati yung anak e pag-aralin natin.’’
“Oo nga Jinky,†sabi ni Dick. “Malaki ang utang na loob namin ni Mulong kay Raul. Niligtas niya ang aming buhay. Kung hindi kay Raul, baka wala na kami ni Mulong. Di ba Mulong?â€
Tumango si Mulong.
“Bukas, puntahan natin ang asawa ni Raul.â€
“Sige, Dick,†sabi ni Jinky.
KINABUKASAN, nagtungo sila sa bahay nina Raul. Nakakaawa nga ang kalagayan ng buhay, Butas-butas ang bubong ng bahay at halatang naghihikahos ang mag-ina.
Umiyak ang asawa ni Raul nang makaharap si Dick at Jinky.
“Huwag kang umiyak. Kami ang bahala sa’yo. Bibigyan ka namin ng trabaho sa itikan.’’
Lalong umiyak ang asawa ni Raul. Ang anak nito ay nakatingin lang sa mag-asawa.
“Pag-aaralin din namin ang anak mo,†sabi ni Jinky.
(Itutuloy)
- Latest